TMG9

1.8K 50 11
                                    


Uwian na pero bigo parin akong makita si matt. Sobra na akong nag aalala sa kanya. Saan na ba kasi nag punta yun?

"Yulie!"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si ash na tumatakbo palapit sa akin. Nakita ko pa ang bulungan ng mga studyante sa paligid ko.

Humarap ako kay ash ng makarating na sya sa pwesto ko. Nag habol muna ito ng hininga bago mag salita.

"Pinapasabi nga pala ng kuya mo na hindi ka nya maihahatid pauwi kaya ako muna daw mag hatid sayo."

Nag simula na kaming mag lakad at hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid ko.

"Ah ganun ba?"

"Oo."

"Ash, alam mo ba kung saan nag pupunta si kuya at mga kaibigan nya?"

Napatikom ng bibig si ash na tila pinipigilan nya ang salitang dapat na lalabas sa kanyang bibig.

"Ah.. eh.. kasi bawal sabihin."

Napakunot ako ng noo at nag iwas ng tingin.

"May masama bang ginagawa sila kuya? Nag susugal ba sya lagi kaya wala sya lagi sa bahay at laging busy?!" inis na sabi ko.

"Ah no, yulie. Mali ka ng inaakala mo. Hindi magagawa ng kuya mo yan."

"Pwes, na saan sya?" saka ako tumigil sa pag lalakad at nag krus ng braso sa harap nya habang hinihintay syang sumagot.

Napakamot naman ito sa ulo nya at napaiwas ng tingin.

"Yulie, Kaibigan ko kuya mo. Ipinangako ko na hindi ko sasabihin ang alam ko, Mashadong mahalaga iyon. Sana wag mo na lang alamin dahil hindi naman masama ang ginagawa ng kuya mo." saad nito. "Just trust him, yulie. And also me.. trust me. A-ayokong mag away kami at lumaki pa ang gulo."

Natahimik naman at nag patuloy muling mag lakad.

"I'm sorry, ash. Mashado yata akong nakikielam sa kuya ko. Ayoko lang kasing may mangyaring masama sa kanya."

"Don't worry about, wren. Naiintindihan kita, yulie. Mag aalala ka talaga kasi mahal mo sya at iniisip mo lang ang ikakabuti ng kuya mo. Pero tiwala lang, yulie. Walang ginagawang masama si wren." saka ito ngumiti sa akin.

Tumungo naman ako at pumasok na sa kanyang kotse.

"Ako muna mag babantay sayo habang wala pa kuya mo." saad nya habang nag dadrive sya.

"Huh? Okey lang ako, ash. masgado na akong nakakaistorbo sayo eh"

"Hindi, ah. Sa totoo lang ay wala akong gagawin ngayon. Bukas practice lang naman namin dahil malapit na ang laro."

Mabilis lamang kami na nakauwi sa bahay. Pinaupo ko muna si ash ngunit nag prisinta itong mag luluto kaya mag palit na daw ako.

Nasa harap na ako ng pinto ng kwarto ko at grabe ang kabog ng dibdib ko.

"Please, matt. Sana nandito ka lang." nakapikit na bulong ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at isinara iyon. Binuksan ko ang ilaw at napangiti sa aking nadatnan.

Sa sobrang tuwa ko ay napatakbo ako palapit sa kanya at niyakap sya.

"H-hey, whats wrong?" tanong nito sa akin.

Humiwalay ako sa kanya at ikinulong ko ang dalawa nyang pisnge sa aking palad.

"Matt.. A-akala ko kung saan kana nag punta."

The Maniac GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon