NAGISING ako at puting kisame agad ang bumungad sa akin. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko na may nakatalikod na lalaki banda sa akin. Nakaupo ito sa sofa habang nanonood ng balita sa tv. Tatayo na sana ako ng mapainda ako sa sakit. Dahil doon ay napalingon ito sa akin at dali-daling tumayo sa kanyang kinauupuan.
"Y-yulie?" agad ako nitong chineck at inayos ako sa pagkakahiga "Sandali lang tatawagin ko ang doctor"
Hindi ko na napigilan si kuya wren sa pag labas. Maya-maya pa ay dumating na ito kasama ang doctor. Agad akong chineck ng doctor at nag usap saglit sila bago lumabas muli ang doctor.
"K-kuya"
"Sandali at tatawagan ko sila tita" masayang sabi nito.
Tumalikod ito sa akin at tinawagan nga sila mama. Masayang kausap ni kuya sila mama at nang matapos ang pag uusap nila ay agad itong dumeretso sa akin.
"K-kuya gusto kong maupo" sabi ko.
"Nagugutom kaba?"
Tumungo naman ako at mabilis itong nag asikaso ng kakainin ko. Nag handa sya ng pagkain sa center table at nag tungo muli sa akin.
"Doon na lang ako kakain kuya" turo ko sa sofa.
Tumungo naman sya at inilalayan akong makapunta sa sofa. Napangiti ako sa pag aalaga sa akin ni kuya.
"Favorite mo ang sisig diba? Mag sopas kana muna ngayon para mabilis mag hilom ang sugat mo" sabi nito.
Napanguso naman ako sa kanya "Akala ko naman sisig ang ulam"
Natawa naman ito at ginulo ang buhok ko "Masaya ako yulie dahil gising kana" nakangiti nyang sabi.
"Masaya din ako kasi niloko mo ko" sabay simangot ko sa kanya.
"Bawal ka sa mamantika eh. Kailangan mo kasing mag pagaling agad"
Nag simula na akong kumain ng may maalala ako kaya napahinto ako sa pag subo ko at tumingin kay kuya.
"K-kuya, kamusta nga pala si ash?"
Natigilan naman sya sa tanong ko at napailing.
"Huwag kang mag alala sa isang yun. Nauna pa syang gumising sayo"
"Ah ganun ba?" nag patuloy ako sa pagkain "Pero teka kuya. Anong araw naba ngayon? At ano ang nangyari?" takang tanong ko.
"Isang linggo na din ang nakalipas simula nung na aksidente ka"
"A-ako? paano ako na aksidente?" takang tanong ko.
"Hindi mo maalalang binaril ka kaya ka nandito?" takang tanong ni kuya.
Umiling naman ako "Huli kong na tatandaan ay ginigising ko si ash nun para hindi sya makatulog" sabi ko habang sinasariwa ang mga pangyayari.
"Ganun ba?" napapatangong sabi ni kuya "Alam mo bang inoperahan ka sa puso" sabi pa nya sabat abot sa akin ng baso na may tubig.
Ininom ko naman agad iyon at humarap kay kuya.
"Inoperahan ako sa puso? B-bakit?"
"Nabaril ka malapit sa puso yulie. Pero na apektuhan iyon kaya kailangan nang palitan ang puso mo para mabuhay ka. Binigyan kami ng tatlong araw upang makahanap ng heart donor mo. Hindi namin akalain na may magiging donor ka agad. Wala sa amin sinabi ang doctor kung sino ang heart donor mo. Malalaman lamang natin iyon kapag na gising kana" nakangiting sabi ni kuya.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.