Pag gising ko ay awtomatikong napahawak ako sa aking sentido. Dumeretso ako sa banyo at nag hilamos. Matapos kong mag ayos sa sarili ko ay bumaba ako sa kitchen. Naabutan ko si kuya wren na nakaupo sa upuan nya habang nakatingin sa akin ng masama. Mukhang kanina nya pa ako hinihintay ah."G-good morning kuya wren."
"Bakit ka lasing kagabi? At bakit si mike ang kasama mo?"
Napaawang ang bibig ko sa tanong ni kuya wren. Inalala ko naman ang nangyari kagabi at napatampal ako sa noo ko ng maalala ko na nag lasing pala ako kagabi. Pero hindi ko maalala na kasama ko si mike dahil ako lang naman ang nag punta kagabi.
"A-ano.. K-kasi.. Nag try lang ako."
Lalong kumunot ng noo nito sa aking sinabi.
"Mag sabi ka ng totoo, yulie!" sigaw nito kaya napatiklop ako.
"H-hindi na mauulit kuya wren, Promise!"
"Tinatanong ko kung anong ginagawa mo doon! Hindi ko kailangan ng promise mo, yulie!"
Napaiktad ako sa pwesto ko at napayuko. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoo sa kanya. Kung sabihin ko na dahil heartbroken ako ay baka itanong nya pa kung sino ang lalaking iyon. Saka wala naman akong boyfriend.
"Hindi ka sasagot?"
Lalo akong kinabahan ng mag simula nang mag lakad si kuya wren. Huminto ito sa harap ko at itiningala ako sa kanya.
"Bakit kayo mag kasama ni mike?" mariing tanong nito sa akin.
"Tama na yan, wren."
Nakahinga ako ng maluwag ng bitawan na ako ni kuya wren. Humarap ito sa nag salita kaya nakatalikod na ito sa akin.
"Ako nang kakausap sa kanya."
Nanlaki ang mata ko sa boses na iyon. Anong ginagawa nya dito? At anong sya ang kakausap sa akin?
"Sige, ako munang bahala sa isang yun." saad ni kuya.
"T-teka kuya.." hinawakan ko si kuya wren sa braso nya. ".. sino yung isa?" takang tanong ko.
Pero imbis na sagutin ako nito ay binawi lamang nya ang braso nya at galit na lumabas sa kitchen. Napaiwas agad ako ng tingin ng kaming dalawa na lang ang matira.
"Anong ginagawa mo sa bar kagabi?"
Napakagat ako sa labi sa sobrang inis. Galit ko syang tinignan sa mata nya.
"Ano naman ang pakealam mo?" inis na tanong ko.
Napaatras ako ng mag simula itong mag lakad. Nakapamulsa ang dalawa nyang kamay habang papalapit sa akin. Napaiktad ako ng pinto na lang ang maatrasan ko. Hahawakan ko na sana ang doorknob ng unahan nya ako at narinig ko ang pag click nito, hudyat na nakalocked na ang pinto.
"Tabi! Lalabas ako."
"Answer me"
"Bakit naman kita sasagutin?"
"Dahil tinatanong kita."
"Umalis ka nga----"
Napatigil ako ng ilapit nya ang mukha nya. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Unti-unting bumaba ang paningin nya sa labi ko.
"Ikakasal kana diba? Bakit lumalapit kapa sa akin?"
"Anong masama sa pag lapit ko sayo?" tanong nito habang nakatingin parin sa labi ko.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.