"matt."
Unti-unti akong nag lakad patungo sa lalaking nakahiga. kung ano-ano ang mga nakalagay sa katawan mga katawan nito. Medyo payat rin ito at halatang nakikipaglaban upang mabuhay.
"He is ivo, yulie." pakilala ni ash. "Aalis muna ako saglit. bibili lang ako ng makakain natin dito."
Tumungo naman ako sa kanya bago nya mapagpasyahan na lumabas na.
Napatingin ako kay matt at nakatingin lamang ito sa lalaking nasa harap namin parehas.
Bigla akong napangiti at lumapit sa tabi ni matt.
"Anong feeling, matt? Anong feeling mo ngayon na alam na natin ang totoo?"
Napabaling ako sa kanya at bahagya syang ngumiti. Tumingin sya sa akin at walang pa sabi na yinakap ako.
"Yulie, hindi ko alam kung magiging masaya ako." bulong nito sa akin.
Umayos sya ng tayo at naupo sa kama.
"Kaya nga kailangan mo nang makabalik, matt. Kita mo naman ang katawan mo. Ang payat mo na sobra dahil sa tagal mong nakahiga."
Ano ba ang nakita namin?
Yung katawan nya. Ang katawan nya mismo. Hindi ko rin sya gaano nakilala kung hindi dahil sa nunalnya sa may mukha. Medyo payat sya dahil siguro sa tagal nyang na coma.
Ang saya ko. Sobra.
"Yeah. Kailangan ko nang maalala ang lahat." determinadong saad nya.
Tumungo naman ako at naupo sa sofa na hindi kalayuan sa pwesto nya. Sakto naman na bumukas ang pinto at iniluwa nun si ash na may dalang paper bag.
Naupo ito sa tabi ko at inilabas nya ang mga laman nun sa lamesa na nasa harap namin.
"Kamusta, yulie? Ang gwapo ni ivo 'no?"
Napailing ako.
Konting push pa ash malapit ko nang malaman kung bakla ka ba talaga.
Tinignan ko si ash at seryoso lang sya sa pag handa ng kakainin namin dalawa.
"Oo."
"Gusto mo kwentuhan kita about sa kanya?"
"Talaga?"
"Oo."
Nag simula na syang kumain at ganun din ako habang nag aabang sa sagot ko.
"Sige, ash. Kwentuhan mo naman ako about sa kanya."
Tumungo sya at huminga ng malalim.
"Si ivo, sikat sya sa university natin. Kaliwa't kanan ang naging babae nyan. Aaminin ko na babaero talaga si ivo at marami nang na ikama. Pero mas gwapo pa din ako sa kanya, yulie."
Napangiwi naman ako. Si matt naman ay napa 'tsk' at umismid kay ash.
Mukhang tama nga ako sa sinabi ko noon na babaero si matt. Nakakatuwa lang kasi dahil hanggang sa pagigimg kaluluwa nya ay hindi iyon na alis.
"Anong konekt, ash?"
Natawa naman ito sabay gulo ng buhok ko. Hindi naman siguro halatang masiyahin si ash, 'no?
"Yung pagiging babaero nya ay na hawa kay jasper. Noon kasi ay tahimik lang si jasper. He had a girlfriend at alam kong mahal na mahal nya yung babae. Pero one day nakipagbreak sya sa babae"
"Nakipagbreak? bakit? akala ko ba mahal nya yung babae? bakit sya nakipagbreak?"
Hindi naman halatang chismosa ako 'no?
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.