*Boogggshhh*"Aw" daing ko sabay hawak sa pwet kong unang bumagsak sa sahig.
Dali-daling pumunta sa amin si miss raquel at nagulat ng makita akong nakaupo sa sahig habang iniinda ko ang pwetan ko.
"Ivo, anong ginawa mo?" Tanong nito kay ivo bago lumapit sa akin. "Kaya mo bang makatayo?"
Imbis na makasagot ako at natigilan ako. Bigla akong nakonsensya sa ginawa ko. Hindi ako nakita ni miss raquel na hinalikan ko ang boyfriend nya. Nakokonsensya ako, parang ang sama-sama ko na.
"Ivo, buhatin mo si miss larson."
"Huh? Bakit ako?"
"Gusto mo ako mag buhat?" sabay tayo ni miss raquel at nag pamewang sa harap ni ivo.
Napatingin naman sa akin si ivo at napaiwas ng tingin. Napayuko ako at pinilit kong makatayo kaya lang ay mukhang napuruhan talaga ang pwetan ko dahil sa pinagbagsakan ko.
"Tsss.."
Natigilan ako ng ilagay nya ang isa kong braso sa leeg nya at walang pasabi na binuhat ako. Napatitig ako sa kanya pero umiwas lang sya ng tingin.
"Dalhin mo sya sa guest room nyo at gamutin mo yung siko nya. Kailangan ko nang umalis."
Tumigil sa pag lalakad si ivo at nilingon nya si miss raquel. Nag taka din ako sa sinabi nya at hindi ko akalain na hindi sya magagalit.
"Ihahatid kita matapos ko syang ihati----"
"Hindi na. Kailangan ko na talagang umalis."
"ihahatid na kita ngayon."
"Wag na nga. Basta yung sinabi kong gamutin mo sugat nya ah" sabay tingin nito sa akin "Mag sumbong ka sakin kapag may ginawang hindi maganda sayo si ivo." sabay ngiti nya at kumaway paalis.
Nang makasakay na si miss raquel sa kotse ay nag patuloy na nag lakad si ivo. Napatitig ako sa kanya pero sya ay sa daan lang nakatingin. Pumasok kami sa isang kwarto at ibinaba nya ako sa kama.
"S-sorry sa ginawa ko." Nakayukong sabi ko.
"You don't need to say sorry."
Napaawang ang bibig ko sa mainit na presensya sa harap ko. Dahan-dahan ko itinaas ang mukha ko at tumambad ang mukha sa akin ni ivo.
Sobrang lapit ng mukha nya sa akin na halos maduling ako.
"I-ivo------"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng lumapat ang labi nya sa labi ko. Napahiga ako sa kama at sya naman ay pumatong sa akin. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay ng mag pumiglas ako. Tumigil sya saglit at tumitig sa aking mata.
"Kilala mo ba kung sino ang hinalikan mo?"
Hindi ako sumagot sa kanya kaya ngumisi sya.
"Gusto mo makipaglaro sa apoy kasama ako?"
Napakunot ako ng noo at mag sasalita pa lang sana nang halikan ako nito ng mapusok. Napaawang ang labi ko ng kagatin nya ang ibabang labi ko. Naramdaman ko ang pag pasok ng dila nya sa loob ng bibig ko at paglaro sa dila ko. Napapikit ako sa init na dumadaloy sa aking katawan. Unti-unti na akong nawawala sa aking sarili.
Bumaba ang halik nito sa akin leeg kaya medyo napaliyad ako. Lumandas ang luha sa aking pisnge hanggang sa mapahagulgol ako sa iyak.
Bakit? Bakit ko nagagawa ito? Bakit ko ginagawa ang maling bagay? Bakit ko hinahayaan na mangyari ito kahit na alam kong may girlfriend sya?
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.