Nagising ako dahil sa pagkauhaw. Pag tayo ko ay alas onse na pala ng umaga. Uminat muna ako bago tumayo sa aking kama.Linggo ngayon at ilang araw na rin nakakalipas simula nang hindi ko na pansinin si ivo. Mahirap syempre, pero kailangan tiisin.
Kinabukasan nun ay may mga nag padala ng mga bulaklak dito sa bahay. Wala naman pangalan na nakalagay basta name ko lang ang nakalagay doon. Siguro dahil iyon sa perform ko sa stage.
Nakanguso akong bumaba sa hagdan. Nanliit ang mata ko ng makita ko sa bintana sa sala sila kuya wren at mga kaibigan nya. Laking tuwa ko ng walang ivo ako makita at mukhang ang saya pa nila sa labas.
Humikab ulit ako at nag kamot ng ulo. Nag martsa na ako papuntang kitchen at deretso sa may ref. Kumuha ako ng tubig at uminom.
Hindi ko pa man na lulunok ang tubig sa bibig ko ay iba na ang tumambad sa akin pag sara ko ng ref. Awtomatiko kong naibuga ang laman ng bibig ko sa mukha nito. Napapikit ito at bumalatay agad sa kanyang itsura ang inis kaya dali dali kong kinuha ang towel na nakalagay sa may upuan saka ko pinunasan agad ang basa nyang mukha.
"Sorry, bigla-bigla ka kasing tumatambad eh." sabi ko habang pinupunasan ang mukha nya.
Nang wala na ang basa ay tumayo ako ng maayos at tinignan ang mukha nya. Dumilat ito at galit na tumingin sa akin kaya kinabahan ako.
"B-bakit?"
Hindi ito sumagot at patuloy lang na tinitigan ako. Ilang saglit pa ay unti-unting bumababa ang tingin nya. Para akong kinikilabutan sa paraan ng pag titig nya. Feeling ko ay hinuhubaran na nya ako gamit lang ang mata nya. Napakunot ako ng noo ng biglang tumigil sa may bandang dibdib ko ang tingin nya. Dahan-dahan kong ibinaba ang mukha ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang dibdib ko. Halatang-halata kasi ang nipple ko dahil wala naman akong suot na bra at tanging pantulog lang suot ko. Napayakap ako sa sarili ko at tinignan sya. Ngumisi ito habang nakatingin parin sa dibdib ko na niyayakap ko hanggang sa dilaan nya ang labi nya kaya hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Awtomatikong malakas dumapo ang palad ko sa kanyang pisnge na ikinatabingi ng mukha nya. Nakita ko pa ang pag kabigla nya sa lakas ng sampal ko kaya hindi ito nakapagsalita.
Paano ba naman kasi kahit tinatakpan ko na nga tinitignan parin nya. Kung hindi ba naman sinasapian nang pag kamanyak nya.
Nakaramdam ako ng awa ng humarap ang mukha nya sa akin. Kita ko ang pamumula ng pisnge nyang sinampal ko.
"Sorry, ang manyak mo kasi eh"
Hahawakan ko na sana ang kamay nya ng pigilan nya ako. Para akong nakuryente sa pag hawak nya sa kamay ko.
"Wag ka nang mag sorry kung ako lang din ang sisisihin mo." inis nitong sabi bago bitawan ang kamay ko.
"Totoo naman kasi eh. Kung----"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng marinig ko ang boses nila kuya.
"Ivo! Tara na!"
"Susunod ako!" sigaw pabalik ni ivo habang nakatingin sa akin.
Yes, it was ivo. Sino pa ba ang ubod ng manyak?
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napayuko.
"Aalis nako." paalam ko.
Dadaan na sana ako ng iharang nya ang sarili nya. Napatingala ako sa kanya at hindi ko inaasahan na sobrang lapit na pala namin sa isa't isa. Agad akong tumalikod sa kanya at naramdaman ang pamumula ng pisnge. Ang tagal ko na rin kasing hindi sya nakikita ng malapitan, ngayon lang.
Napakumot ako ng noo ng may maramdaman akong pumatong sa balikat ko.
"Umakyat kana agad sa kwarto mo." rinig kong sabi nito sa likod ko bago ito lumabas sa kitchen.
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.