*Tok**Tok*
*Tok*
"Kuya hinihintay----- Oh my gosh!"
Malakas kong na itulak palayo si ivo kaya napaupo sya sa sahig. Dali-dali akong umupo at nakita ko na gulat na nakatingin sa akin at kay ivo si ran.
"A-ano k-kasi---"
"Di'ba ayokong binubuksan ang pinto ko!" sigaw ni ivo bago ito tumayo.
Nakita ko agad ang takot sa mukha ni ran kaya dali-dali akong tumayo. Si ivo naman ay papunta na kay ran kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa braso.
"Tumigil ka nga, ivo!" sigaw ko dito kaya napatigil sya sa pag lapit kay ran.
Agad akong pumunta sa tabi ni ran at niyakap ito. Ramdam ko ang panginginig ng katawan nito at nag simula pang umiyak dahil sa takot sa kuya nya.
"Arggh.. Hindi kana natuto ran. I already told you, not open my door!" sigaw muli nito.
"Pwede bang wag kang sumigaw? Kita mong umiiyak na nga kapatid mo!" sigaw ko rin dito.
"Wala kang karapatan sigawan ako!"
"Wala ka rin karapatan sigawan ako!"
"Lumalaban ka na huh?!"
"Oo? Kailan ba ako hindi lumaban?"
"Ate, please tama na." sabi ni ran habang hawak ako sa braso ko.
Tumungo naman ako sa kanya bago ko lingunin si ivo.
"Mag palit ka ng damit mo, ang baho mo." sabay talikod nito sa akin. "Hihintayin kita sa music room. Now, get out of my room!"
Inis akong umalis kasama si ran. Pumasok kaming dalawa sa kwarto ni ran at pinatahan ko sya.
"Ate, nakakatakot si kuya. Naalala ko nung araw na nag wala sya. Parang mas sumobra pa nga yata ngayon." umiiyak nitong sabi.
"Ibig sabihin nag wala na sya noon?"
"Opo, ate. Nung araw na nalaman nya yung tungkol kay raquel at ash."
Para akong nanigas sa aking na rinig. Anong meron kay ash at miss raquel?
"Pwede bang malaman yung about kay miss raquel at ash?"
Pinunasan naman nya ang luha nya at hinawakan ako sa mag kabilang kamay.
"Ate, Gusto mo ba si kuya?"
Nasamid ako sa tanong nito. Bakit kasi kailangan pang itanong yan?
"Ah eh.. w-wala" pag sisinungaling ko.
"Eh bakit sya nakapatong sayo? Anong relasyon nyo? Niloloko nyo ba si raquel?"
"H-Hindi ah. Wala kaming relasyon. A-ano kasi napahiga ako sa kama. Oo tama, na dulas ako tas tutulungan sana ako ni ivo ng madulas din sya papunta sakin." nag kakamot kong paliwanag.
"Ganun ba? Bakit naman ang OA ni kuya? Kung magalit sya parang na istorbo ko kayong dalawa" nag tataka nitong sabi.
"Hahaha ehehe kasi na badtrip yata dahil sa pag kadulas nya. Oo, yun nga yun."
"Ah ganun ba? Sana naman wag syang OA kasi nakakatakot sya."
"Pag sasabihan ko yun. So, pwede mo nang i-share yung about kay ash at miss raquel?"
BINABASA MO ANG
The Maniac Ghost
FantasyCOMPLETED Imagine, you are living in the same roof with a ghost? No, not an ordinary ghost but a maniac ghost.