TMG21

1.1K 37 8
                                    


Pag dilat ng aking mata ay tumambad agad ang puting kisame. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko si miss raquel na kausap ang nurse. Umupo ako sa aking hinihigaan kaya napunta sa akin ang mga atensyon nito.

"Ms larson, kamusta ang pakiramdam mo?"

Natigilan ako at napatingin kay miss raquel. Nakabalatay sa mukha nito ang pag aalala kaya napatingin ako sa kamay ko.

Its been a week since matt disappeared. Yes, isang linggo na rin ang nakalipas simula ng huling makasama ko sya. Nakakalungkot man ay hindi ko parin kayang maging okey sa nangyari. Bawat umaga na nagigising ako kay hinahanap-hanap ko sya.

Muli ko na naman na alala ang lahat kaya inilibot ko ang aking paningin. Bigo akong makita sya sa paligid ko kaya tumulo na naman ang mga luha sa pisnge ko.

"May masakit ba sayo? Tell me, Ms larson." pilit akong kinakausap ni miss raquel ngunit hindi sa kanya nakatuon ang atensyon ko.

Baka naman panaginip lang ang lahat? Tama, isang bangungot lang ang lahat.

Pinunasan ko ang luha ko at tinignan si miss raquel.

"M-miss, bakit po ako nandito?"

"Nakita kita kasi na walang malay sa abandunadong kwarto sa dulo. Alam mo bang bawal mag tungo doon?"

Para akong binagbagsakan ng langit at lupa.

Tama, nag punta nga pala ako doon at nag babakasakaling makita ko sya.

Napayakap ako sa tuhod ko at umiyak ng umiyak. Totoo pala ang lahat. Yun na nga yung huling oras namin ni matt. Ang huling araw na kilala nya pa ako.

Pilit akong pinapatahan ng mga ito pero hindi ko sila pinansin. Bahagya akong tumigil ng tumunog ang cellphone ni miss raquel.

"What?! Okey, papunta nako dyan."

Napaangat ako ng tingin at saktong nag tama ang paningin namin ni miss raquel. Medyo na tigilan si miss raquel ngunit ng bigla din sya ngumiti.

"S-saan ka pupunta?" tanong ko.

"Do you know ivo right?" nakangiti nyang tanong kaya tumungo ako. "Gising na sya."

'Gising na sya.'

'Gising na sya.'

'Gising na sya.'

Parang awtomatikong nag echo sa akin ang sinabi nito. Hindi ko na din na pansin ang pag paalam nito sa akin paalis.

Ilang oras akong nakatulala hanggang sa tumayo ako sa aking hinihigaan. Tumakbo ako palabas ng clinic at tinakbo ang kahabaan ng academy. Pag labas ko ay nakita ko ang haba nang trapiko kaya wala akong nagawa kung hindi ang takbuhin hanggang sa sakayan ng bus.

Hindi ko na rin na pansin ang mga luhang patuloy na umaagos sa aking pisnge dahil sa nais na makita si matt.

Ilang minuto pa akong nag hintay ng walang bus akong makita kaya no choice ako kung hindi takbuhin iyon. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa maramdaman ko ang malakas na pag bagsak ng malakas na ulan.

Napahinto ako sa pag takbo ng mapahawak ako sa dibdib ko. Naramdaman ko ang bahagyang pag sikip ng aking dibdib kaya sandaling huminto ako habang nababasa ng ulan.

Sana, sana kilala mo pa ako.

Sana biro lang ang lahat matt.

Sana ikaw parin yung nakilala ko.

Naisipan ko muling tumakbo. Patawid na sana ako ng mahinto ako at hinintay na masalpok na paparating na bisekleta. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa sahig habang ang malakas na ulan ay patuloy na bumabagsak sa aking mukha.

The Maniac GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon