TMG40

1.2K 40 4
                                    


Third person pov

Pasakay na sana ang binata sa kanyang kotse papunta sa bahay ng kanyang kaibigan. Natigilan sya sa pag sakay ng may tumawag sa kanyang cellphone. Sinagot naman nya agad ito.

"Hello?"

["Ivo, tulungan mo ako. Nandito ako ngayon sa **** bldg may nag kulong sa akin."]

Natigilan sya ng marinig ang boses ng kanyang nobya.

"At ano naman ang ginagawa mo dyan?"

["Nalaman ko na kung sino ang pumatay sayo. Alam ko na kung sino ang sumaksak sayo noon."]

"S-sino?"

["Ivo puntahan mo na ako. Nandito na sya. Dalian mo! Baka patayin na nila ako."]

*Tooth!*

*Tooth!*

*Tooth!*

Mabilis na sumakay ang binata sa kanyang kotse ng biglang sumulpot ang kanyang kapatid na si ran.

"Kuya pupunta kaba kila wren?"

"Oo, Susunod na lang. May pupuntahan lang ako."

Dali-dali nyang isinara ang pinto ng kanyang kotse at pinaharurot ito patungo sa lugar na sinabi. Nang makarating sya sa bldg ay agad syang pumasok. May isang kwarto doon ngunit nakasarado. Natigilan sya ng may humarang sa kanya na isang bulto ng lalaking nakamaskara.

May pinindot ito sa gilid at sa isang iglap lang ay may rehas na kumulong sa kanya.

"Sino kang hayop ka?!"

Ngunit hindi ito nag salita.

"Nasaan si raquel?"

Imbis na sagutin sya nito ay iniwan lang sya nito. Kinuha ng binata ang cellphone nya at agad na tinawagan ang mga kaibigan nya.

"Wren!"

["Ivo? Where are you? May nangyaring masama kay ash. Papunta na kami ngayon sa **** st."]

Natigilan ang binata sa kanyang narinig. Ang matalik nyang kaibigan ay may nangyaring masama?

"A-anong nangyari sa kanya?"

["Hindi ko alam. Basta nag text na lang sa akin si yulie."]

"Si yulie? Kamusta si yulie?"

Hindi nya alam pero lalo syang kinabahan. Ang kaninang dobleng kaba ay naging triple na. Pinagpapawisan sya sa kabang nararamdaman nya.

["Nandito na kami. T-teka.. Yulie? Yulie!"..."]

Nawala na sa kabilang linya ang kaibigan nya kaya napamura sya. Inilabas nya ang baril nya at pinaputukan ang rehas. Nakalabas din sya agad at mabilis na nilisan ang lugar na iyon.

Agad itong sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot muli papunta sa lugar na nasabi. Hindi nya alam pero nakakaramdam sya ng panginginig ng katawan dahil sa takot at nerbyos na ngayon lamang nya naramdaman. Puno ng pag aalala ang nararamdaman nya at hindi nya na alam na sobrang bilis na ng kanyang patakbo. Nakarating sya ng ligtas sa lugar ngunit may mali. May mga ambulansya, police at may mga taong nakapaligid sa gitna ng daan.

Pagkababa nya ay nakaramdam sya ng ibang pakiramdam. Bawat hakbang nya papalapit sa daan ay ang malakas na kabang nararamdaman nya. Nang makarating sya ay para syang matutumba sa kanyang na saksihan.

Ang kanyang matalik na kaibigan noon at ang babaeng nag paramdam sa kanya ng kakaibang pakiramdam ay binubuhat na papasok sa loob ng ambulansya. Kitang kita nya pa ang kaibigan nyang may dugo ang noo na walang malay at ang babae na may tama ng baril sa kaliwang dibdib na wala din malay.

The Maniac GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon