Umuwi ako kaagad galing ko sa hospital hindi na ako pumunta sa school dahil baka makita ko si Jake i'm not ready no see him kailangan ko munang mag refresh.
Pumunta kaagad ako kwarto ko nakita ko yung mga picture naming dalawa ang ginawa ko kumuha ako ng kahon at dun ko nilalagay yung mga memories na nakasama ko siya habang nagliligpit ako nakatingin lang ako sa mga picture na tinatago ko na grabe ang saya saya naman dito sa picture na'to. Bigla tuloy akong napaisip masaya ba talaga siya dito? O ako lang talaga yung masaya sa tuwing magkasama kami? Mangangakongako siya tapos hindi naman tutuparin 'Don't believe to promises it will hurts you a lot.' yan yung salitang alam ko hindi ko alam kung tama ba!? Basta yun na yun.
Ang tanga tanga ko pala! Nagpapahuli na nga ang kriminal pinapatakas ko pa. Bakit hindi nalang siya nakipagbreak sa akin kung ganun din pala ang gagawin niya. Maghahanap din ng bago! May palaman laman pa siyang meeting tsk! Oo nagmemeeting sila ng babaeng hipon na yun! Sa pagkakaalam ko bata sa amin yun. Grabe wala na palang pinipili ang mga manloloko ngayon pati bata pinapatos na nila! Akala ko nagbago na siya! Akala ko may chance pang magbago ang isang katulad niya. Well yah nabuhay ako sa malaking maling akala.
"SCARLETT! SCARLETT! SCARLETT!" Nabigla ako sa pagtawag sa akin ni Ivory ng makita niya ako para siyang batang umiyak at niyakap ako.
"Hey what's wrong with you guys!?" Nagtatakang tanong ko dahil parang nagtataka sila kung ano ang ginagawa ko tapos itong babaeng ito hindi pa tumigil sa pagiyak.
"Akala kasi niya magtatake ka ng suicide!" Sabi ni Charlotte.
"Haha tama na Ivory hindi ako magpapakamatay hindi ko sasayangin ang buhay ko sa isang lalaki" Nakangiting sabi ko i need to be strong kahit deep inside my heart it super duper hurt.
Tumigil naman si Ivory tinanong nila kung bakit hindi ako pumasok pero binawi na nila yung tanong kasi alam na nila yung sagot bakit hindi ako makakapasok.
"Sige magluluto muna ako " Sabi ni Charlotte sumama naan sa kanya si Vivian.
"Samahan na kita sa pagliligpit!" Sabi ni Ivory.
"Sige!" Sabi ko
Nilagay naming lahat yung mga binigay sa akin na teddy bear ni Jake siguro ipapamigay ko nalang sa mga bata ito para atleast hindi sayang yung mga gift na binigay na sa akin.
"Gusto mo bang pagusapan natin yung nangyare?" Tanong sa akin ni Ivory.
"Wag na Ivory.." Sabi ko sa kanya
"Ahh sige sorry halika puntahan na natin sila para makakain na tayo!" Sabi ni Ivory ng pahila naman ako sa kanya.
Pagpunta namin sa kusina nakita namin sina na naghahanda na sa lamesa kaya tumulong na kami. Masaya kaming kumakain pinagkwekwentuhan namin yung panahong first meet up namin.
"Sayang Scarlett hindi mo nakausap yung mga kaibigan ni Steven ang babait!" Sabi ni Vivian.
"Di bali next time!" Sabi ko naman.
"Hindi lahat!" Sabi naman ni Charlotte.
"Yieee Charlotte gumaganyan ganyan ka ba gusto mo naman si Timonthy!" Sabi ni Ivory tumawa naman si Vivian
Asaran sila ng asaran hanggang sa pagpunta namin sa sala.Napangiti nalang ako sa kanila kasi hindi ko naman kilala tinutukoy nila .
"No way! Chaka tumigil na nga kayo na oop na si Scarlett!" Sabi ni Charlotte.
"Okay lang sige punta muna ako sa kwarto." Sabi ko naman.
"Nakakainis kasi yung Jake na yun! Buti nilang naupakan na natin siya kanina!" Sabi ni Ivory napatingin naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
One Last Cry
Romance"I never knew I could feel so much pain, and yet be so inlove with the person causing it" -UNKNOWN