8

114 4 0
                                    


Ang tagal tagal namn ng susunod na prof. namin kanina pa kami naghihintay sa kanya tinitiis lang namin yung gutom namin. Hays HAHAHAHA bigla naman may dumating na estudyante nagsalita sa harap.

"Hindi daw makakarating si Prof. " Sabi niya at umalis na nagsigawan naman yung mga ka blocks namin syempre makakalabas na sila .

Lumabas narin kami pumunta muna kami nina Charlotte dun sa locker maglalagay lang ng mga sobrang sobrang gamit HAHAHA nakakastress kasi ang daming books iisipin mo pa ito. Pagbukas ko ng locker ko nabigla ako ng may makita akong letter hindi lang isang letter dalawa with rose pa kinuha ko naman.

"Basahin natin kaso kumain muna tayo!" Sabi naman ni Ivory kaya pumunta na kami sa cafeteria nakaorder na sina Steven kaya hindi na kami nagorder.

"Nakakapagtipid kami dahil sa inyo! HAHAHA" Sabi ni Vivian.

Tumawa din sila pano ba naman lagi nalang sila yung naglilibre HAHAHA kaya wala kaming nagagastos dahil kay Steven.

"Oyy bessy basahin na natin yung sulat!" Sabi sa Ivory napatingin naman sina Steven.

"Ayy sa bahay nalang." Sabi ko syempre nakakahiya.

"Hindi ngayon na yung isa nalang! Sige naaa" Pilit parin ni Ivory sa akin.

"Sige na nga pero isa lang!" Sabi ko

"Oo!" Sabi niya at nilabas ko naman yung isang sulat na binigay sa akin.

Hi pretty lady :>

Anyone can catch your eye,but it takes someone special to catch your heart.

Sana magkaroon ako ng lakas ng loob para makausap kita ng personal. :>

-Your Admirer ❤

Binasa ng malakas ni Ivory kaya narinig din nila Steven yung sa sulat. Ayy nakakahiya naman huehue.

"Ayiee naks naman!" Sabi sa akin ni Vivian.

"Pretty lady daw ayieeee!" Sabi naman ni Charlotte.

"Ay tumigil nga kayo nakakahiya!" Nahihiyang sabi ko makakaganti din ako sa inyo! HAHAHAHA pero in a good way.

"Hindi na ako magugulat kung bakit ang daming may gusto sayo."Sabi ni Timothy.

"Hah?" React ko

"Ang ganda mo kasi! Ayan tuloy madami akong kaagaw!" Sabi niya binatukan ko naman siya.

"Loko loko ka rin nuh!" Sabi ko

"HAHAHA JOKE LANG NAMAN!Di ka naman mabiro" Tawang tawang sabi niya.

"Pero kung--- Hindi na tuloy yung sasabihin sa akin ni Timothy ng biglang magsalita si Matthew.

"Malalate na tayo! Hali na kayo!" Sabi niya at nauna ng maglakad.

Kaya sumunod na kami sa kanya parang bad trip naman si Matthew napano kaya yun. Hanggang sa pagpasok namin nakasimangot lang siya wala naman ni isa na kumausap sa kanya.

"Okay class malapit na yung festival natin so be ready! Dapat lahat kayo makisama kung anong gagawin niyo. So that it for my personal annoucement." Sabi ni Miss. "May reklamo ba kayo doon?"Pahabol niya.

"Wala po Miss." Sagot naming lahat.

"Okay. So our topic is all about family." Nakangiting sabi ni Miss buti ito yung topic namin ngayon.

"Tatawag ako sa inyo ng dalawa mamaya at ishishare nila yung relastionship nila sa pamilya nila. Alright?" Sabi ni Miss.

"Yes po."Sagot namin nagdiscuss muna si miss about sa family ofcourse HAHAHA

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon