"Scarlett kanino galing yang bracelet mo?" Tanong sa akin ni Ivory."Hmm si kuya nagbigay." Nagsinungaling ako galing to kay Jake ito yung nakita ko doon sa maliit na box.
"Okay. Babe okay na ba yan?" Sabi ni Ivory.
"Ang tagal naman nila!" Sabi ni Vivian
Nandito kami ngayon kila Steven nakalimutan kasi nila yung pinabili ng ate ni Matthew by the way pupunta na pala kami kila Ate Sarah ngayon ang aga nga naming nagising kasi excited kami dapat nga nakalahati na namin yung byahe kaso naiwan nila yung pinapadala ni ate Sarah sa nila kaya ayun bumalik kami dito kila Steven. Nagrereklamo na nga kamisa kanila e HAHAHA excited kasi kami na makita yung mga bata .
"Hali na kayo!" Sabi nila
Finally aalis na kami tatabi na sana ako kay Charlotte kaso biglang tumabi si Timothy kaya pumunta nalang ako sa tabi ni Matthew hala na kasing ibang pwesto kaya doon nalang ako umupo. 6:30 am nung sinundo nila kami sa bahay pero 8:10 am na kaming bumyahe hayss! inaantok pa ako kaya pinikit ko nalang mata ko bigla naman nagsalita yung katabi ko.
"Palit tayo."Sabi niya.
"Huh?" React ko.
"Palit tayo ng pwesto" Nasa bandang may salamin kasi siya.
"Okay."Nakipagpalit naman ako sa kanya para makatulog ako ng maayos.
Muntik na nga akong matumba buti nalang nahawakan ko yung upuan. Natawa naman ako sa sarili kung katangahan nagising tuloy diwa ko napagisipan ko naman na manood nalang ng kdrama para antukin ako mahaba haba din kasi yung byahe namin. Habang nanonood ako napapatingin ako sa katabi ko naglalaro ng basketball sa cellpohone niya. Habang nakakalahati ko na yung episode na pinapanood ko naramdaman ko na rin yung antok kaya pinatay ko na muna at natulog na muna.
"Scarlett! Scarlett bahala ka diyan!" Sigaw ni Vivian
"Ang ingay mo naman" Sabi ko sa kanya dinimat ko na yung mata ko at nabigla ako na nandito na pala kami.
"Duhhh magayos ko muna bago bumaba." Sabi niya at bumaba na ng van.
Inayos ko muna yung sarili ko bago ako bumaba grabe ang laki talaga ng bahay nila ayy este mansion na ito! Nakita ko naman sila na papasok na kaya hinabol ko na sila buti nalang hindi sila mabilis maglakad.
"Nasaan si ate?" Tanong ni Matthew dun sa maid nila.
"May kinuha lang po pero pabalik na po siya." Sabi nung maid.
"Okay. May mga pagkain na ba?" Sabi niya
"Opo sir." Sabi niya tinignan ako nung maid at nginitian siya yung tumulong sa akin nung nandito ako. Kaya nginitian ko naman din siya.
"Ang dami naman" Sabi ni Timothy.
"Alam mo naman si Ate Sarah" Sabi naman ni Kyle.
Ang sarap ng mga pagkain hindi talaga tatalab sa akin ang pagdidiet HAHAHA lahat naman kasi ng nga pagkain masasarap kaya hindi ko mapigilan ang kumain ng kumain. Tinanong din namin sa kanya yung kambal tulog pa daw sila sabagay mga bata pa kasi kaya hindi sila kaagad nagigising.
Pagkatapos naming kumain pumunta muna kami sa sala nila dun muna kami nagtambay habang hinihintay magising ang mga bata at si Ate Sarah na dumating. Nanonood nalang muna kami ng movie yung Barcelona ng Kathniel alam ko napanood ko na ito pero maganda ulitin. Habang nanonood kami biglang lumabas yung dalawang kambal at nagtatakbo palapit kila Matthew. Nagpasama naman ako kay Ivory na magcr naihi na ako HAHAHA
BINABASA MO ANG
One Last Cry
Romance"I never knew I could feel so much pain, and yet be so inlove with the person causing it" -UNKNOWN