32

54 4 0
                                    

Nalate na kaming nakarating sa university. Nalate na rin kasi kaming natulog kagabi nanonood pa kasi kami ng movie. Minsan nalang nga kaming magbonding apat malalate pa kami.Nagmadali na kaming pumunta sa room namin buti nalang nakapasok na kami bago pa makapasok si Miss Natividad.



Nasa loob na pala sina Matthew parang maputla ngayon siya hindi ko naman malapiyan kasi nandito na rin si Miss Natividad. Hindi ko tuloy matanong kung napano siya. Baka nilalagnat siya kaya ganun bigyan ko nalang siya ng gamot mamaya.



Hindi ako makapagfocus sa mga lesson iniisip ko kasi si Matthew kanina pa siya matamlay. Bakit kaya pumasok pa siya dapat kasi hindi nalang siya pumasok. Nagpahinga nalang sana siya may sakit na nga siya papasok pa siya.



Natapos na yung klase namin ngayon oras na ito mamaya pa yung dalawa. Habang wala pa yung next na papasukan namin lumapit ako kay Matthew na nakayuko.



"Nilalagnat ba siya?" Tanong ko sa kanila.



"Oo nga hindi na nga namin pinapapasok pumasok parin siya" Sabi ni Steven.




Hahawakan ko na sana yung ulo niya para i check yung init sa katawan niya kaso bigla niya akong hinawakan. Inalis ko namn kaagad yung kamay ko dahil ang init init ng kamay niya.



"Bakit parang sobrang init naman ng kamay mo?" Tanong ko sa kanya


"Sorry. Nasaktan ka ba?"Tanong niya.




"Hindi naman pero bakit ang mukha mo ang tamlay tamlay mo pumasok ka pa!Uminom kana ba ng gamot? Bakit hindi ka ng pacheck up? Dapat kasi hindi kana pumasok tignan mo wala ka sa kalagayan mo.Hawakan ko nga yung ulo mo kung ganun din kainit kaya ng sa kamay mo" Nagaalalang sabi ko.



"Hindi na baka mapaso ka pa" Ang ao naman ng balat nito.



"Tsk uminon ka nalang ng gamot" Sabi ko sa kanya tapos binibigay ko sa kanya yung gamot. Buti nalang talaga girlscout kami madaming mahahalagang gamit yung bag namin.



"Uminom na ako" Sabi niya.



"Pero bakit ang init init mo parin. Umuwi ka nalang kaya Matthew para makapagpahinga ka" Sabi ko sa kanya



"Ayoko"Sabi niya




"Pero Matthew ang init init mo tapos ayan ang tamlay mo mas mabuti pa na umiwi kana" Sabi ko.



"Oo nga Matthew umuwi kana" Sabi ni Ivory.




"Ayoko hindi kita makikita" Nagsasalita ng parang bata tsk tsk ang cute niya.



"Matthew huwag kanang gumawa pa ng eksena diyan umuwi kana" Sabi ko sa kanya.



"Uuwi ako pero puntahan mo ako mamaya please" Para nanaman siyang batang magsalita.



"Pupunta kami huwag kang magalala" Sabi ni Vivian.



"Sige hatid na namin siya" Sabi ni Timothy.



"Kayong apat?"Tanong ko sa kanila.



"Hindi sila lang dalawa ni Kyle ang maghahatid" Sabi ni Steven.



"Okay sige ingat kayo!"Sabi namin sa kanila.



Hindi na kami sumama na ihatid pa siya sa labas. Ginawa nalang ako ng sulat para ibigay sa Dean namin yung letter. Naibigay na namin yung letter sa Dean namin tapos bumalik na kami sa klase namin. Dumating na rin yung prof. namin. Sana hindi madami yung gagawin namin para makapunta kami kila Matthew. Siya lang magisa niyan sa condo niya dumating na rin sina Timothy at Steven kaya for sure walang kasama yun sa condo niya.



One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon