50

59 2 0
                                        


Pov's of Scarlett

Gusto ko man magstay sa condo ni Matthew para damayan siya pero mas alam ko na kailangan niya ng time para makausap si Tita. Dumating kasi siya sa condo ni Matthew kaya iniwan ko na muna sila para makapagisa baka kasi kailangan nilang magusap. Nakakhiya naman kung nandun ako habang naguusap sila ng mama niya.

"Scarlett ang lalim ng iniisip mo diyan Scarlett" Biglang sulpot nila.

"Anong nagyari kagabi?" Tanong nila sa akin.

"Kagabi ko lang nakita si Matthew na ganun umiyak" Sabi ko.

"Bakit?" Tanong nila

"Hindi ko nga alam e basta nakita ko nalang siyang umiiyak nung papunta ako sa cr hindi na ako nakaihi sa sobrang pagaalala ko sa kanya tapos umuwi na kami ng maynila" Sabi ko.

"Hindi mo ba siya tinanong kanina?" Tanong ni Ivory.

"Tatanungin ko sana kaso biglang dumating yung mama niya kaya umalis na ako baka kailangan nilang magusap" Sabi ko .

"Kumain na muna tayo" Sabi ni Charlotte.

"Sige maliligo lang ako" Tapos pumunta na ako sa kwarto ko para maligo naramdaman ko na kasi yung lagkit sa katawan ko hindi ako nakapaghilamos kagabi kaya malagkit ako ngayon.

Habang naliligo ako iniisip ko lang si Matthew sobra akong naaalala sa kanya. Kahit na may iniisip siya ako nauna niya parin akong idala sa kwarto niya. Sa pagkakaalam ko kasi sa sahig na ako nakatulog kaya nabigla nalang ako paggising ko nasa kwarto niya ako.Siya naman nandun siya sa sala niya parang ang lalim ng iniisip niya.

Flashback

"Good morning Love" Lapit ko sa kanya

"Buti gising kana gutom kana ba?" Nakangiti ito pero nakikuta ko sa mga mata niya na nagsisinungaling yung mga labi niyang nakangiti.

"Hah hindi pa naman"Sabi ko.

"Love are you okay?" Nagaalalang tanong ko.

Love bakit naman natulog ka sa sahig dapat pumunta ka nalang sa kwarto ko" Pagiiba niya ng topic.

"Nakatulog na ako e"Sabi ko.

"I'm sorry Love tinulugan kita" Sabi niya tapos niyakap niya ko.

"Hmm okay lang Love" Sabi ko.

Kumakain na kami na kami ni Matthew nakapagluto na pala siya. Habang kumakain kami hindi siya nagsasalita kaya hindi ko nalang siya kinakausap.

End of Flashback

Pagkatapos kung maligo may naririnig akong kumakatok sa pinto ko kaya naman nagmadali na akong magbihis tapos pinagbuksan ko ng si Charlotte lang pala akala ko naman si Matthew na yung kumatok.

"Labas tayo" Sabi niya.

"Sige magbibihis lang ako" Ayoko sana kaso minsan lang sila magyaya hindi pa ako sasama. Inaalala ko kasi si Matthew lalo na nakita ko siyang umiyak ng ganun.

Lumabas na ako nasa sala na sila sabay lang kaming ni Vivian na lumabas sa kwarto namin.

Pupunta kami ngayon sa mga street food doon kami magbobonding may challenge pa nga e 200 pesos lamg dapat yung makakagastos mo sa lahat.

"Scarlett kanina ka pa tahimik diyan okay ka lang ba?"Tanong ni Vivian.

"Oo okay lang ako may iniisip lang ako" Sabi ko sa kanila.

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon