29

51 4 0
                                    

Sakto lang gising namin back to normal classes na kami kaya matamlay nanaman yung mga mukha namin. Yung nangyari pala kahapon hindi ko pa nasasabi sa kanila kasi nahihiya ako pati kasi ako hindi ko alam yung sasabihin ko bakit namin nagawa yun. Napagusapan din namin na hindi dapat kami maging awkward sa isa't isa dapat chill lang relax lang dapat hindi sila makahalata na may nangyaring ganun.




Kumakain na kami ngayon actually tinatamad pa din sila kaso no choice kami kung hindi gumising ng maaga.Binalik na lahat kasi sa dati kaya dapat masanay na ulit kami na gumising ng maaga.



"Back to normal life!" Sabi ni Charlotte habang kumakain.




"Oo nga" Sabi ni Vivian



"Kamusta si Kit?" Tanong sa akin ni Ivory.



"Nung umalis na ako natutulog na siya"Sabi ko sa kanya.



"May nangyari ba kahapon?" Nanlaki naman yung mata ko sa tanong ni Vivian ano sasabihin mo na ba sa kanila? O hindi ko nalang sasabihin sa kanila.



"SCARLETT! anong nangyari kahapon kay Kit?"Sabi ni Vivian.



"Naglasing siya hindi niya kasi matanggap na wala na sila nung ex niya" Tumawa naman sila.



"HAHAHA parang ikaw lang noon!" natatawag sabi ni Vivian.


"HAHAHAHA" Tawa nila


"Oo nga pero dati pa yun!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.



"Hahaha mas malala pa nga yung ginagawa mo e!" Sabi nila sa akin.



"Hali na nga kayo malalate na tayo!" Sabi ko at tumayo na ako at lumabas na ng dinning area mga bully sila kahit kailan.



Nagligpit lang si Ivory tapos lumabas na kaming lahat para pumasok na kami. Buti nalang hindi na nila ako inaasar sa mga kadramahan ko kaya ayun lumilipad isip ko.Nakarating na kami sa university dumating na rin sina Matthew kaya sabay sabay na kaming pumasok.



Hindi ako pinapansin ni Matthew naninibago nga ako sa kanya e. Subukan mong hindi ako pansinin hanggang mamaya masasampal kita ano nanaman kaartihan niya sa buhay niya.Hanggang sa makarating kami sa room namin hindi niya parin ako pinapansin. Kaya nung humarap siya sa akin inirapan ko lang siya ewan ko nga e para akong bata ng tatampo sa kanya dahil lang sa hindi niya ako pinansin.



Dumating na yung prof. namin kaya nagayos na kami. Habang nakikinig ako sa prof. namin tinatanong ako ni Ivory kung bakit daw hindi kami nagpapansinan ni Matthew.


"Hindi ko din alam" Bulong ko sa kanya kasi wala naman talaga akong alam basta nalang siyang hindi namamansin.



"Okay nakakapanibago lang kasi na hindi kayo nagpapansinan" Ako din naman naninibago dahil hindi niya ako pinapansin



"Siya ang naunang hindi na mansin hayaan mo diya hindi ako kawalan"Bulong ko.



Nakinig nalang kami sa mga talak ng prof. namin. Pagkatapos ng mga iilang lesson namin lunch break na nagyaya na silang lumabas na para makahanap kaming pwesto. Hindi niya parin ako kinikibuan kaya hindi ko rin siya pinapansin kausap ko lang ngayon sina Charlotte.



"Anong sayo Scarlett?" Tanong ni Charlotte sa akin akala ko nga si Matthew ng tanong e akala ko lang pala.

"Parehas nalang tayo samahan na kita" Sabi ko kay Charlotte tapos pumunta na kami sa counter kasma sina Timothy.



One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon