"Buti hindi kana pumupunta sa condo ni Matthew?" Ilang araw na rin kasi yung lumipas nung simulang nainis ako sa kanya. Hindi na ako pumapasok sa condo niya pinapaabot ko nalang yung pagkain kay kuya guard. Buti nalang kinukuha niya ayoko na munang pumupunta doon baka kung ano ba ang masabi namin sa isa't isa.
"Wala lang" Sagot ko.
"Okay" Sagot nila.
Nandito lang kami sa bahay nakatambay. Naisipan kung pumunta sa mall siguro doon muna ako magpapalipas ng araw. Wala kasing pasok kaya napagdesisyunan ko na umalis na muna dito para hindi ako mabored. Baka pumunta pa ako sa condo ni Matthew.
Naligo na ako at nagayos ng sarili ko. Habang nagaayos ako bigla kung nakita yung picture namin ni Matthew. Ang saya saya pa namin diyan hindi mo makikita sa mga mata niyo yung mga mata niya sobrang saya. Pero ngayon hindi na namin nakikita yung nga ngiti niya. I miss him miss ko na yung dating siya na nakangiti kapag kasama niya kami. Scarlett huwag mo na muna siyang isipin ayoko na munang umiyak nakakasawa din.
"Alis na ako" Paalam ko sa kanila.
"Sige" Sabi naman nila.
May ginagawa kasi sila kaya hindi na sila sumama. Bago ako pumunta sa mall naisipan ko na dumaan na muna ako sa ampunan kung saan kami pumunta dati.Namimiss ko na yung mga bata dito pero bago yun syempre namili na muna ako ng maibibigay ko sa kanila.Pumunta muna ako sa market para bumili ng mga crakers. Tapos pumunta na ako sa ampunan kung saan kami pumunta dati. Last dalaw ko dito kasama ko si Matthew. Pagkatapos nun hindi na nasundan pa kasi madami na rin nangyari kaya siguro hindi na kami nakadalaw sa mga bata.
"Ate Scarletttt!" Sigaw ng mga bata tapos lumapit sila sa akin.
"Hello mga bata namiss ko kayo" Nakangiting sabi ko.
"Namiss din po namin kayo nasaan po si Kuya Matthew?" Tanong nung isang bata.
"Oo nga po bakit hindi niyo po siya kasama?" Tanong po nung isang bata.
"Busy kasi yung kuya Matthew niyo kaya hidni ko siya kasama ngayon. Pero huwag kayong magalala may dala ajong pasalubong sa inyo" Nakangiting sabi ko sa kanila.
"Yeheyyyy!" Tinulungan ako ng mga nagtratrabaho dito sa ampunan.
"Magpila na kayo" Sabi ko.
"Okay po" Sabi nila tapos nagpila sila.
Binigyan namin sila ng juice at crakers buti nalang marami yung binili ko meron din palang bago dito sa ampunan. Kawawa naman sila pinabayaan sila ng mga magulang nila. Pero kahit ganun nakikita mo parin yung mga ngiti nila sa mga mata nila. Masaya ako dahil natulungan ko sila kahit papaano. Masaya akong nakikita ko silang masaya. Pagkatapos namin silang pakainin pinaliguan na din namin sila tapos pinakain na rin namin sila ng hapunan.
"Sayang po wala po si Kuya Matthew"Sabi nung bata sa akin.
"Hayaan mo yayayain ko siya sa susunod" Pero hindi ako sure kung kailan.
"Okay po" Sagot nung bata.
Pagkatapos nilang kumain nakipaglaro ako sa kanila. Habulan kami ng habulan hindi ko na nga naisip na aalis pala ako pupunta sa mall. Hahaha naenjoy kung makipaglaro sa mga bata. Habang hinahabol ko sila biglang may tumawag sa akin si Ivory.
[Scarlettt nasaan ka?]
Nandito sa ampunan. Bakit?
[Pinuntahan ka ni Luke dito pinapasabi niya na aalis si Matthew papuntang ibang bansa. ]
BINABASA MO ANG
One Last Cry
Romance"I never knew I could feel so much pain, and yet be so inlove with the person causing it" -UNKNOWN