Dali dali kaming naglakad ni Matthew buti nalang hindi niya kami nakita kasi nakatalikod siya may kausap sa cellphone niya. Pumunta kami sa isang restaurant sabi ko kasi sa kanya kanina kung ano ang mauna naming makita kainan dun nalang kami kakain. Kaya ayon nandito kami ngayon."Mukha tayong tanga kanina!" sabi ko kay Matthew habang kumakain kami.
"Ikaw lang wag mo akong idamay haha" Tinignan
"Ewan ko sayo!" Sabi ko.
Habang tumatawa siya biglang may tumawag sa kanya yung ate niya daw ayy hindi pala video call pala sila ng ate niya.
[Hinahanap ka nila]
Pakita mo ako sa kanila sabihin mo kasama ko si Scarlett.
[Talaga? Kasama mo siya pakita mo nga ako daliiii]
Pinakita naman ako ni Matthew sa kanyang ate kasama niya rin yung kambal.
[ Hi Scarlett! Namiss ka ng mag ito! ] turo niya sa kambal nagsalita rin sila.
[Hello tita ganda!]
[Miss na namin kayooo!]
Hello ate Sarahh! Hello Alex/Alexa miss ko na rin kayo. Pero wag kayong magaalala malapit narin naman birthday niyo diba?
[Asahan namin yan Scarlett! Pero bakit magkasama nga pala kayo?]
Sinamahan ko po siyang bumili ng regalo niya para sa mga bata.
[Ganun ba sige mamaya nalang ulit. Kids magbyebye na kayo sa kanila.]
[Byebye po]
Bye see you in your Birthday bye ate Sarah
[ Bye guys! Yung pinapabili ko sayo Matthew! Enjoy your date!] Agad pinatay ni Ate Sarah yung tawag niya.
"That crazy woman" Bulong niya
"Anong date?" Nagtatakang tanong ko.
"Don't mind her" Sabi niya lang.
" Ang cute talaga nilaaa" Sabi ko nalang akala ko hindi siya magsasalita peeo bigla itong magsalita.
"Mana sa akin" Pagyayabang niya kunwari naman naubo.
"Parang hindi naman hmm" Nakabawi din sa wakas.
"Tsk"Natawa nalamg ako sa kanya
"So nasamahan na kita so wala na akong utang sayo!" Sabi ko sa kanya
"Oo na." Sabi niya.
Pagkatapos namin kumain niyaya ko na siyang umalis kailangan ko rin kasing umuwi ng maaga para malinis ko yung kwarto ko darating nga sina Mama bukas kaya kailangan naming maglinis kundi magpapadala ng mga alalay sian Mama sa akin yun yung ayaw namin kaya kailangan naming mag general cleaning HAHAHAHA.
"Wait kunin ko lang yung pinareserve kong pizza kanina." Nagpareserve pala ako kanina ng pizza.
"Sige ."Sabi niya
Kinuha ko na yung pizza kaya ako bumili ng pizza para hindi sila mag tanong ng mag tanong mamaya.
"Bye see you tommorow" Sabi ko sa kanya
"Bye." Maikling sabi niya pinaandar ko na yung sasakyan ko at umalis na ako kumaway pa ako sa kanya.
Mabuti nalang sumama ako kay Matthew kahit papaano nakalimutan ko problema ko. Kahit papaano nakalimutan ko na broken pala ako. Mahal ko parin siya pero hanggang doon nalang yun.
BINABASA MO ANG
One Last Cry
Romance"I never knew I could feel so much pain, and yet be so inlove with the person causing it" -UNKNOWN