34

54 6 0
                                    


Nandito na kami ngayon sa school. Kasama ko ngayon pumasok si Matthewwwwww! Ewan ko din kung anong puamsok sa isip niya na sinundo sundo pa ako HAHAHA. Ginagampanan niya daw kasi yung pagiging BOYFRIEND niya sa akin. Boyfriend? Oo tama boyfriend ko na siyaaaa! Hahaha. Ang saya saya ko dahil kami na kami na ng taong mahal ko Hihi. At alam niyo ba may pabulaklak kaagad si Mayor HAHAHA.




"Baka magbukas na ako ng flower shop ko niyan haha.Pagkain nalang ibigay mo sa akin" Kakabigay niya lang kasi kahapon tapos ito meron nanaman. Tumawa alng din siya.



"Baka tumaba ka" Sabi niya


"Ano ka ba okay lang love mo parin naman ako pagtumaba ako diba?" Sabi ko.

"Oo naman kahit maging sino ka man"Nakangiting sabi niya.

"Yiee i love you po" Kinakauspa ko siyang parang baby tapos niyakap ko siya at kiniss sa pisngi.

"I love you too" Kiniss niya rin ako kaso sa noo tangkad kasi nita sa akin. Pero konti lang!HAHAHA

"Uyy! Masyado kayong PDA!"Suway sa amin ni Charlotte nandito na rin pala sila nauna kasi kami sa kanilang umalis.

"Hindi naman!" Sabi ko.

"Kung makayakap nga kayo sa isa't isa parang pinaghihiwalay na kayo!HAHAHA"Sabi naman ni Vivian.

"Magboyfriend na din kasi kayo!" Sabi naman ni Ivory.

Nagtayawanan lang kami habang naglalakad. Madami ding bumabati s amin ni Matthew. For sure alam na nila kasi nakapost sa IG ni Ivory yung mga picture.

"Congrats Scarlett and Matthew!" Sabi nung nakasalubong namin.



"Thank you!"Naiangiting sabi ko sa kanila.

"Kawawa naman yung mga nagbibigay ng mga sulat sayo nauna sila ni Matthew HAHA" Sabi ni Vivian.

"Mahina sila" Mayabang na sabi nito natawa naman ako.



"Ikaw din naman mahina kung hindi ka namin piniga ng mabuti mauunahan ka din ng iba" Sabi naman nila kaya mas lalo akong natawa.



"Wala ka rin pala e haha" Biro ko sa kanya tinignan niya ako ng matulis na tingin kaya nagpiece sign ako halata sa mukha niya na aasar siya.

Nakapasok na kami sa room oras na pero wala parin si Miss Natividad baka nalate siya o kaya may ginagawa pa siya kaya wala pa.


"Malapit na yung sembreak anong plano?" Tanong ni Kyle.



"I suggest punta tayo ng Maldives!" Sabi ni Ivory.


"Oo nga maganda doon!" pagsangayon ko sa sinabi ni Ivory.


"Ano gusto niyo?" Tanong naman ni Steven sa boys.



"Sige!" Sumangayon din sila.


"Pagkatapos ng Maldives saan kayo?" Tanong ni Ivory ulit sa amin.


"Uuwi ako sa bahay namin" Sabi ni Vivian.



"Syempre dapat icelebrate natin yung pasko kasama yung mga pamilya natin" Sabi ni Charlotte.



"Ikaw saan ka pupunta?" Tanong ko kay Matthew.


"Ikaw ba?" Tanong din niya.


"Uuwi ako sa Tagaytay" Sabi ko.



"Ako din sabay nalang tayo" Sabi niya.


One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon