9

106 3 2
                                    


"Kailan pa?"Unang tanong ko sa kanya

"3 months ago." Sagot niya.

"Bakit Jake!? Bakit mo nagawa sa akin yun!?" Mahinang tanong ko pero pagalit na tanong ko.


"Hindi ko na kasi nakaya Faith yung ganun relasyon!Nasakal na ako sa katahimikan. " Sinampal ko naman siya at tumawa ako ng mapakla.

"Nagsawa kana kasi hindi mo makuha kuha yung gusto mo sa akin! Yun yun Jake!Bakit hindi ka nalang nakikipagbreak sa akin hindi yung ginawa mo ako tanga!"Sabi ko buti nalang talaga nandito kami sa isang resto na walang tao.

"Hindi ko kayang mawala ka."Sabi niya.

"HAH!? ANONG GUSTO MONG GAWIN PAGSABAYAN KAMING DALAWA? ABA NAMAN JAKE HINDI KAMI LARUAN! LALONG LALO NA AKO! " Napasigaw ako ng kaunti nakikipaglaro ba itong lalaking ito akala ko bang hihingi siya ng sorry?


"Mahal mo siya?" Tanong ko

"Oo" Sagot niya

"So ano pang silbi nagrelasyon natin lang ako nalang pala ang nagmamahal!Alam mo bang halos mamatay na ako kakaisip kung pano ko mababalik yung dating relasyon natin! Halos yun nalang iniisip ko napabayaan ko na yung pagaaral ko para sayo! Pinaniwala mo ako na magtatagal tayo! "Muntik na akong maluha.


"I'm sorry Faith akala ko kasi magwowork pa yung relasyon natin dalawa pero malabo na pala nahulog na ako sa kanya. Hindi ko masabi sayo kasi mahal din kita ayokong mawala ka." At isang sampal ulit ang natamo niya.

"Pwede ba Jake wag kanang maglaro ng feelings pa ng babae! Hindi mo na ako mahal Jake nasanay ka nalang na kasama ako sa buhay mo! Pero Jake tapos na yun hinding hindi na ako magiging parte pa ng buhay mo."Matigas na sabi ko sa kanya.

"I'm sorry Faith kung nasaktan kita sorry sa lahat ng mali kung nagawa sayo sorry kung hindi ko masabi sayo sorry kung niloko kita. Faith sana mapatawad mo ako.Sorry kung pinaniwala kita na nagbago na ako sorry Faith pero hindi kasi ako yung tipong lalaking pagmatagalan."Buti alam mo yan!

"Hindi sapat ang sorry mo sa nga sakit na pinaramdam mo sa akin!" Sabi ko.

"Oo alam ko pero sorry parin Faith." Tama na Faith tapusin mo nalang yung usapan mo para wala kanag isipin wala na hindi narin naman magiging kami ulit mas mabuti pa na tapusin na namin itong usapan na ito.


"You know what i realize na oras na. Jake thank you sa memories natin together i won't forget that."Nakangiting sabi ko.


"I'm really sorry Faith." Yun lang yung sinabi ko.

"By the way hindi narin naman tayo wag mo na akong tawagin sa second name ko Scarlett nalang yung itawag mo sa akin. Sige mauna na ako." At naglakad na ako pero may nakalimutan pala ako ibigay sa kanya kaya bumalik ako.

"Happy Birthday Jake." Pagkaabot ko dun sa gift ko sa kanya.

"Thank you Fa-- Scarlett."Sabi niya.

"Sige mauuna na ako.Bye Jake see you when i see you " At tumalikod na ako sa kanya narinig ko naman siyang nagsalita.

"Take care! " Sabi niya.

Humarap naman ako at sumagot." I will!" At tuluyan na akong lumabas ng resto.

SUCCESS natapos din yung araw na ito ang dami kong narealize after ng paguusap namin. Sabi nila 'kapag mahal mo ang isang tao ipaglaban mo.' hindi naman pala lahat ng taong minamahal mo ay dapat ipinaglalaban mo dapat tignan mo muna kung yung taong mahal mo ay mahal karin rin. At yung salitang 'pagpapatawad.' Yung kahit na hindi nila deserve na patawarin ay pinatawad mo parin sila kasi nga mas better kung patawarin mo nalang siya at kalimutan yung ginawa kasi kung dun ka magfofocus dun sa pagkakamali niya yun nalang lagi yung makikita mo sa lahat ng tao.

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon