Napasarap yung tulog ko kaya late na akong nagising. Naabutan ko din si Matthew na natutulog parin pala siya. Hindi ko na muna siya ginising napagisipan ko na muna na maligo na muna ako bago ko siya gisingin.Para naman kahit papaano kompleto yung tulog niya.
Pagkatapos kung magbihis lumabas na ako ng banyo ko. Nabigla naman ako ng makita ko si Matthew na nakaabang sa banyo ko niyakap niya naman ako bigla kaya niyakap ko rin siya.
"Good morning"Bati ko sa kanya
"Ang bango mo" Sabi niya nakayakap parin siya sa akin.
"I know Love HAHAHA maligo kana Love para makababa na tayo" Sabi ko sa kanya.
"Okay" Tapos kumuha siya ng damit doon sa bag na dala dala niya kagabi tapos pumasok na siya sa banyo.
Habang naliligo siya nagsusuklay naman ako ng buhok ko. Habang nagsusuklay ako bigla naman akong may naisip whaaaa kung ano ano yung mga naiisip ko. Scarlett bago palang kayo don't expect to much tsk tsk.
"Love anong iniisip mo?"Biglaang bumalik yung utak ko sa reality ng biglang magsalita si Matthew.
"Wala naman. Hali kana bumaba na tayo" Yaya ko nalang sa kanya.
Pagabba namin tapos na palang kumain sina Mama at sina Kuya kaya kami nalang dalawa yung kumain.
"Nasaan sila?" Tanong ni Matthew.
"Nasa kubo daw sila sunod nalang tayo doon" Sabi ko sa kanya. Baka nagluluto na sina Mama sa likod excited na akong tumulong. 10:30 am na kaming nakababa ni Matthew.
"Love anong pinaguspan niyo ni kuya kagabi?" Ang chismosa ko pero gusto ko lang kasi malaman.
"Boys talk" Sabi niya
"Love ishare mo naman kahit isa lang" Pagpipilit ko sa kanya.
"Mamaya" Sabi niya
"Sa wakas gising na kayong dalawa"Biglang sulpot ni kuya.
"Sila ate Joan?"Tanong ko.
"Nandun sa kubo pinapasundo na nila kayo" Sabi ni kuya.
"Okay sunod nalang kami" Sabi ko.
Nakaalis na si kuya tinapos lang naman yung pagkain namin tapos tumayo na kaming dalawa.
"Love mamaya!" Sabi ko napailing nalang siya akala niya hidni ko siya kukulitin.
Nakapunta na kami sa kubo niyayaya ako ni ate Joan na tumulong kila mama kaya iniwan na muana namin sila kasama si Baby Ashley.
First time naming magkasama sa Christmas ni Matthew kaya dapat marami din kaming memories. Salamat nalang talaga dumating siya sa buhay ko nagpapasalamat din ako kay God dahil siya yung binigay niya sa akin. Dahil alam ko hindi niya ako sasaktan sure ako doon.
Masaya kaming tumutulong ni ate Joan kila Mama mga ilang minuto din dumating na sina kuya piantulog na muna nila si Baby Ashley doon sa yaya nila. Tutulong din daw sila.
"Ma may trabaho parin ba si Papa?" Tanong ko.
"May inayos lang iyon" Sabi ni Mama.
Hinahalo ko na yung niluluto ni Mama medyo pinagpapawisan na ako sa init. Nilapitan naman ako ni Matthew para pinunasan yung noo ko na puno ng pawis.
"I'm so haggard Love" Sabi ko.
"Don't worry your still beautiful" Nakangiting sabi niya.
"Sus oh baka masunog na yung niluluto" Si kuya talaga panira ng moment.
Nagluto na rin si Matthew infariness magkasundong magkasundo sila ni Mama. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ko sila habang naghahalo ako.
BINABASA MO ANG
One Last Cry
Romance"I never knew I could feel so much pain, and yet be so inlove with the person causing it" -UNKNOWN