Fakeness in the corporate world.
Minsan nakakasuka din ang ibang tao. Hindi ko maatim yang mga kaluluwang ang gusto lang ay mangwasak hindi magbuild build build gaya ng programa ni Duterte.
Ang lungkot din. People hide what they really are by ruining other people instead of working hard to improve their craft. Mas incompetent, mas maangas. Mas may false sense of entitlement. Mas mareklamo. Yan ba uso nowadays? Nakakapagod kaya kasama mga reklamador.Working as Sup in BPO, ansarap makasalamuha at mambasag ng mga ganitong klaseng halimaw. Iniisip ko, gaano katragic ang childhood at klase ng upbringing meron ang.mga tao na ito. Para silang Dual Sim. Mabait pag kaharap pero mas maraming opinyon pag nakatalikod ka.
May isang agent habang namimigay kami ng freebies, para lang pampasaya sa kanila. Sabi niya habang nagkiclaim ng prize "Ang cheap bakit ganyan. Kahit anak ko hindi kakainin yan. Ayuku niyan" kung tama pa memorya ko.
Dinig na dinig ko. Tiningnan ko yung scorecard at performance, aba kahit sardinas hindi ko bibigayn yun eh. Makareklamo eh. Ibagay din sa performance. Trabaho naman talaga nila yun. Yung binigyan ka ng something be thankful kahit paano. Gratitude. Lalo na hindi ka masyadong kawalan at di ganun kalake ang naiambag mo sa account. Kahit pa joke, hindi maganda. Sabi ng mga nanay natin " Ang pagkaen kahit anong ialok sa atin hindi pinipintas pintasan."
Yan ang sampol ng hindi magandang pagpapakatotoo.Sabi ko sa team na hawak ko, pacencya na kayo. Hindi ako dadagdag pa sa mga kilala ninyong puno ng pagpapanggap. Hinuhubad ko ang kaluluwa lalo na sa mga taong hawak ko. (Hindi damit ha) Gusto kong makita nila ako even in my vulnerable moments. Pero may limits yun (disclaimer)
Wala lang. Ayuku ng stress, ayuku ng toxic ayuku ng malungkot pati mga panget na ugale. Sa dami na ng kalungkutan at kabigatan ng loob at mga nakakagalit na naranasan ko ayuku ng magdwell at magtanim pa ng mga ganyang bagay.
Ayuku ng dumagdag sa problema ng agents ko sa bahay nila. Sa pagpila ng ilan sa MRT na para kang ginagahasa pag sumakay ka. Para kang nabalahura ng literal.
I appreciate honesty. I appreciate sincerity. Yun un tumatagos. Hindi napi-fake. Mahirap dayain yun. May mga tao kunwari nakangiti sau pero inuupakan, ina-icepick un espiritu mo. Ayaw ko ng ganyan. Maghubad tau ng maskara pero with class. Hindi pang "Face to Face" level ni Tiyang Amy.
Bago pa maging probinsiya ng China ang Pinas (sana wag naman Lord) Tigilan sana ng nga trabahador sa BPO ang kapekean, pagpapanggap at pavictim effect nila at mga eksenang tatalo sa mga soap opera.
Yung pinag-uusapan sana ay yung paano iimprove at huhusayan ang indibidwal at team performance. Hindi buhay ng buhay ng may buhay. At anung latest.Ayuku ng nga tinginan na may laman. Mga pregnant pauses. Sabi ko nga minsan sa team huddle namin. "I'm not here to be like by you. I'm here because I love what I do. Kung magiging friends tayo bonus na yun kung ayaw ninyo saken bumalik kayo sa dating TL niyo." Wala naman silang choice. Wala din akong choice. Dun ako sa beneficial. Eenjoyin ko sila kesa mastress.
"Masyadong maikli ang buhay para i-please ko kayo maghahawak ka 18 na tao iba iba ugale at kasama pa hininga."Ang totoo talaga busy kasi ako. Iba-ibang eksena at suot mong hat sa production floor. Minsan English teacher ka, minsan pati pag-upo ng maayus or posture ituturo mo. Panu magbigkas ng words, pati GMRC. "Pakitakpan yung bunganga pag uubo", "Pag mag uutos ng tubig sa team mate gumamit ng "paki"". Kung anu ano. Minsan naman, prayer meeting talagang may bible verse at prayer kami. I want my team din to really understand na un success minsan eh because we prayed and it's not because of us, un galing nila but because we relied on the grace of God. Kulang na lang minsan praise and worship. Naweweirdan minsan agents ko akala nila kulto na pinasok nila hindi na BPO. Pero wala akong pakealam basta importanteng malaman nila na mahal sila ng Dios. They need affirmation. To remind them na significant sila at may hope. Hindi totoong wala silang mararating tulad ng sinabi ng ibang tao minsan sarili pa nilang magulang o kapatid at kamag-anak. Na may destiny na nag-aantay sa kanila.
Mga ganun. Ayuku ng fake. Gusto ko un makatotohanan. Hindi ako lilikha ng mga agents na masasama ugale tama ng ako lang ang may attitude. At lalong ayukung lumikha ng nga agents na pabigat, backstabbers at reklamador sa BPO industry. ✍
P.S. Mas maraming magaling umarte sa corporate world kesa sa mundo ng enteblado or theater. Nakatrabaho ko ang parehong mundo. Mas totoo ang mga tao sa theater industry. Mas bargas. Mas professional. Harapan ang daotan. Hindi sa likuran.