"Madam Chantal"

72 0 0
                                    

Lunch break sa Opis. On our way sa foodcourt ng Mall.

TL: Fren nalala mo yung feng shui expert na kinuwento ko sa'yo. Yung sa Instagram.

Ako: Oh bakit?

TL: Blinock na nya ako. Nakulitan yata saken.

Ako: Anu yan. Nadenggoy ka? TL ka na nagagantso ka pa sa internet.

TL: Parang ganun na nga yata. Eh kasi nga noong una tama naman ang mga hula niya. Blah blah blah.

Ako: Malamang ang general naman ng.mga hula sayo. Kahit ako pede kong sabihin sa'yo.

TL: Ayun di na ako nireplyan sa viber. Sinend ko pa naman yung resibo ng remittance.

Sabi ko "Madam Chantal nasend ko na nasaan na po yung hula mo?"

Ayun di ako nirereplyan.

Ako: Magkano ba yun?

TL: 3k fren.

Ako: Para saan ang 3k?

TL: Para lumayo ang malas at ma bless at matuloy ang mga hula sakin. Paysung 3k
Bibgyan ako ng parang something na may dasal yun. Anting anting parang ganorn.

Tapos NCNS - No Call No Show na sya. (sa BPO term yan sa agent na di nagpakita ule sa work ng walang paalam.)

Ako: 🤦‍♂️😁😏 Anubayan. Sa dami ng gang sa Pinas naloloko ka pa? Taga-saan ba yan?

TL: Mindanao. Davao yata. Sorry pa ako ng sorry sa kanya kasi late ako nakapag padala buti kako ang bait ksi ok lang daw.

Ako: Mabait naman pala. Maunawain. 😏 San mo niremit?

TL: Sa Western Union. Meron siyang binigay pero name ng lalaki ung pinangalan. Mark Lester Alvarez.

Ako: Di ka pa nagduda? Bakit lalake?

TL: Baka kako asawa niya.
Nirecommend ng friend ko yun ksi nagpahula din sya. Yung isang friend sa abroad naharbatan din ni Madam almost 60k para lang bumalik ang ex. Dinadasalan kuno ung ex para bumalik.
Waley naman nangyare.
Basta need mo lang muna padala ng pic mo sa Viber then after a while tatawag na sau si madam

Tapos makikilala ka na ni madam. Malalaman na nya ugali mo mahuhulaan na niya yon pati future mo

Ako: Sana nakutuban mo din na magagantso ka niya. May pagka syunga ka naman sa part na yan. Sana ikinain na lang natin yan. o ako na lang humula sayo or sa Quiapo ka na lang nagpunta sa gilid gilid doon.

TL: Haha. Super recommended ng friend ko kaya di ako nagduda.
At saka kasi nga noong una totoo naman mga hula.

Ako: At pinagtatanggol mo pa? 🤔 Di kaya kasabwat yang fren mo? Tig 1500 sila ni Madam Chantal?

TL: Haha hndi no nabiktima rin sya. 3k din.

Ako: Duda ako jan sa nagrefer sau.

TL: Una muna sasabihin nya kung ano klase ka tao ung ugali mo. Tumpak na tumpak si madam. Tapos wala pako tinatanong alam na nya agad pakay ko which is lablayp at work. Na kesyo may makikilala raw ako at malapit na malapit na raw sympre kinilig at na excite na ako. Eh ung mga sinabi nya about sa guy kaparehong kapareho nung sinabi sakin ng 4 na manghuhula na nauna kong iconsult (ewan ko nga baka may chatroom ang mga manghuhula na un at nag uusap usap sila). Na ang makikilala ko daw ay may sabit either may asawa n or anak. So sabi ko aba mukang totoo na ksi pareho nung sinabi nung ibang manghuhula. Tapos sa work nararamdaman na daw nya noon na mag iiba ako ng career.. so tumpak nanaman kasi nagbabalak na ako noon.

Ako: Baka kasi chineck nun Instagram mo at Facebook or ginoogle ka nun ni Madam Chantal.
Sa uulitin ha. Kaen na tayo yung masustansya para di tau naloloko. 3k yun sana nag- Vikings na lang tayo.🤔🤔🤔. Anu ba profile sa IG

TL: Ayan ung IG nya oh may pa lifecoach lifecoach pa ang bruha.

*looks at the screenshot*

Tarot card / Lifecoach.

Ako: Hmmm.. Gusto mo bang hulaan kita? 1500 lang 50% diskawnt. 🤔🤔🤔

#BPOtruetolifestories ✍

Plot Twist: Si Mark Lester Alvarez at Madam Chantal ay iisa. Vavaihan.

P.S. Screenshots were sent just today- the.conversation happened like 2 years ago.
With consent na nadenggoy ni Madam Chantal 😁

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon