Gratitude 101 sa Gitna ng Pandemya

18 4 0
                                    


I still don't get it ngayong Work From Home na andami pa din nating eksena sa buhay.Itong ibang agents at empleyado sa call center nagpapasaway pa din sa kabilang ng pandemic. Andaming mga nalalaman na kalokohan sa buhay.

Imagine dinalhan at hinatidan na kayo ng company ng computer at internet sa bahay ninyo, deliver lahat. Yung iba naman naka check in sa hotel. All expense paid.Hindi ko maintindihan ung natutulog pa talaga sa oras ng work. Nagpapahanap pa at kahit 20 calls na sa FB messenger at mobile hindi na makasagot.

Sino bang hindi nadedepress at nalulungkot ngaun?

The fact na may work ka at di iniwan ng company mo sa panahon na ito dapat mas masigasig at mas hardworking tau. Pagtanaw ng utang na loob din sana iyon.

Pero ung iba kabaligtaran.

Work From Home na late pa, overbreak, overlunch san ba kau nagpupunta sa talipapa? Okay lang un minsan pero pag araw araw na abuso na yan. At iba din ung may mga system issues para clear tau. Isama na natin personal issues.

May calls pa ako narinig may nagaaway sa during calls. Drama rama sa hapon. Hindi na nakuntento sa aso na tumatahol, at manok na tumitilaok may tao din na umeeksena para lang sa love quarrel. pede ba maghambalusan kau during lunch break?

Kasi maraming walang work, nawawalan ng work at mawawalan pa ng work ngaun at may pinagdadaanan din sila. Hindi lang kayo.

Gustuhin man ng UV and FX drivers magwork walang sasakay at di pa sila operational. Kung tindera ka naman ng kwek kwek at tusok tusok, may bibili ba sa sawsawan mo ng sawsawan ng bayan. Laway sa laway tulad ng balawis. Di nadale ka ng veerus.

Kahit G.R.O. at bidyuoke girls siguro ngaun wala ding work at kung meron man walang tip at bawal magkakandong kandong sa customer social distancing remember? Kahit mga taga salon gusto man nilang makipag bonding sa ingrown mo di nila magagawa baka last ingrown na nila tapos nacovid pa. Napakabahong ending ng buhay.

Maraming saradong non-essential establishments.

Tapos ikaw – babangon ka na akala mo sino kang Superstar from lunch at break kung kelan mo na lang gusto. Bumili kayo ng alarm clock mga sampu. Again, okay lang ung isa pero araw araw? Anu yan. Pakisama din sa company.

Integrity – always do the right thing even no one is watching.

Sino bang niloloko natin sarili natin?

Aabsent ka pa – tapos hindi magpapaalam, NCNS (no call no show) during pandemic. Unless life and death situation yan siguro at kung valid reason. Ayus lang naman. Pero kung dahil nakainom ka kahit liquor ban or nalimutan mo schedule mo lalo pa at regular ka na. Patawa ka?

Meron pa nagpacancel ng OT - may lakad daw sila. Saan ba itong lakad na ito sa barangay, talipapa o sa puregold? ECQ nga di ba. After ng lagpas 1 month magpahinga ng may ayuda ka sa company kahit 50% Ayaw mo man lang magsupport anu ban man 2hrs na OT. Pakisama tawag doon.

FYI, maraming employees ng BPO ngaun floating, accounts nag sasara kasi affected din ang economy, client na ayaw ng work from home. Kaya kung ayaw mo ng onsite at hotel, STI ka muna ( Sa Tabi ni Inay)Kahit po sa abroad, mga OFW natin na nawalan ng work at pinauwi na ng employers muna dahil sarado din even hotels abroad.Tapos ung IBA selfish pa din? Puro sarili iniisip. aba it's time to honor our companies who never left us during this pandemic. How about commitment sa attendance and good performance naman. Wag abusado.

Dapat nga, ung gana natin kakaiba dahil sa season na ito- aba "Frontliners" din taung matatawag, hindi man tau kasama sa ayuda pero tau ung nasa position to be a blessing sa economy ng Pilipinas. Hindi tau ung mga nasa viral sa FB nag nagkakagulo sa ayuda ng gobyerno. Wala na tau sa kalagayan na ganun. The more that we should be thankful pag dun tau sa perspective na un uupo.hindi na tau maaawa at mag self pity na hindi tau sinama ng gobyerno sa ayuda.

Ung magtataho dito samin consistent araw araw, deadma sa veerus kumita lang. Pati nagtitinda ng prutas, sorbetero at binatog. Kaunting malasakit sa work at company. Wag puro take take take, give give give din. Kahit sa lahat ng klase ng relationship give and take dapat. Most people na mareklamo pa din ngaun – evaluate tau at icheck muna po natin performance natin ha from CSAT, AHT at Issue Resolution esp. Attendance– kapag pasado lahat yan dapat pakinggan ka lalo sa mga hinaing mo. Pero kung wala kang maipasa, wag naman masyadong entitled. At magseminar ka siguro ng Kababaang Loob 101.

Andamot natin sa papuri pero sagana sa reklamo. Op kors unless na, pinipilit ka ng company ibang usapan na un.

Hindi perfection ang hinahanap ko, kaunting effort, kapirasong dedikasyon at pagmamahal sa work kaya ko nasulat ito.

Kaunting awa din, cooperation at stressful na ang work from home setup dahil sa internet connection sa pinas, minsan brownout pa- nakakahina na cya ng immune system wag na taung dumagdag pa. kung di tau makakapag pagaan ng buhay ng kapwa natin wag na taung dumagdag pa. We are all adults na nman.


Andami daming pinoy na nagkalat sa ibat ibang bahagi ng daigdig. Lahi kaya tau ng magigiting, mga OFW, dahil mahuhusay tau magwork pero pag dating dito sa sariling bayan natin ganyan tau makatrato ng trabaho? sad di ba. And then we cry for change? Let it begin within us siguro. Paglaban naman natin un dignidad natin. Bago pa tayo maging perbinsya ng Tsina.

Remember, gratitude begins where the sense of entitlement ends. Learn how to be grateful and value your work.

#BPOTruetolifestories

#BPOEncounters

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon