Sa mga aplikante sa BPO,
Kung maari sana pag mag-apply kayo ng work eh yung malapit-lapit sa mga bahay ninyo.
Wag ninyong ikatwiran ang "trapik" dahil kung sa Pilipinas naman kayo talagang pinanganak talamak na yan kaysa droga. Dapat nainform na kayo.
Maawa din kayo sa sarili ninyo. Hindi sapat ang Stresstabs vitamins sa araw-araw na paghahabol ng train ng MRT at LRT, bus, at jeepney. Yung mahihiya si Lydia De Vega, the "Asia's Sprint Queen" sa pagtatakbo mo makasakay lang at namaster mo na din paano magbacks-out tulad ni Jaworski mauna ka lang sa pagsakay. Yung naka-ready na mga siko mo pambigwas sa mga gustong mauna sau. Yung nahasa ka na sa survival instinct mo.
May mg agents ako from Bulacan, Novaliches, Laguna, South at North dulo dulo ba, eh Ortigas ang opis. . Minsan sabi ko sa agents ko, "anung pinaglalaban ninyo at ginagawa niyo sa sarili ninyo ang bumabyahe ng ganyan katagal. Namamanata? Penetensya? Gustong makalimot kaya dinaan sa byaheng more than 4hrs or mahigit. Mag apply kayo ng malapit lapit sa inyo. Mahabag naman kayo sa sarili ninyo."
Syempre pag mukhang lantang pechay na yung agent gawa ng trapik pati performance nila pechay na din.Yung MRT pa nman ng Ortigas station hindi mo din maintindihan yung logic nung nakaisip ng station na iyon. Parang gusto niya hilahod, pawisan at taong grasa ka na sa layo bago ka nakarating sa destination mo
Dapat praktikal ang pinoy nowadays. Hindi lamang BPO workers. Dagdag stress yan.
Kaya nga minsan may phobia na ako pag sinabing "Rush Hour".
Proximity should matter pag maghahanap ka ng work. Hindi na blessing ang train tulad before. Mas kumportable na sa bus, nakaupo ka, may paTV swerte pag may movie na palabas at malamig.
Sa tren minsan para nilugso na yung puri mapababae man o lalake. Para kang binaboy at ginang-rape. That feels you know.Nakakamiss ang Uber at pati yung habal habal (motor) papatulan ko talaga yan pag late na ako.
Minsan nag-apply pala ako sa BGC, aba lumagpas ako bus na nasakyan ko bilang natanga ako. Ayun, yun lakad ko, akala mo "Walk for A Cause" sa haba. Eh summer nun fren. At yung porma mo hindi pangharabas, pangmalakasan eh. Tinigalan ko na muna yang BGC. Pati Ayala, aba pag may nagrarally iikot ka sa Buendia ng mga bus sa RCBC na labas mo eh Robinsons Summit ang building ko. Lakad na naman. Nimal. Tapos kahit anung explain mo hindi naman maniwala sayo at sana sumali na lang ako sa rally.
Ang hirap din maging professional at on time nowadays.
Yung itutulog mo na lang, hindi na pede kasi dapat nasa byahe ka na. Kasi kapag natulog ka pa, wala ng trapik dahil wala ka ng trabaho.Yung time na naspend mo sa family pang quality time sana, ninakaw na ng trapik.
Kaya importanteng mahal mo yung trabahong pinili mo, if hindi ka nag eenjoy. Lugi ka. In so many levels.
#BPOtruetolifestories ✍