May dalawang klase ng tao sa BPO. Isang napromote at isang naiinggit sa napromote.
Kahit saan yata, hindi lang sa BPO industry. May ganun. Crab mentality at its finest. Nilalabas ng promotion ang "inner Thanos" ng ibang tao sa industriya na ito.
But I realized, sa promotion. Parang pagpili ito ng friends. Dapat masarap ka kasama. Kabagang. Gusto mo ba kasabay kumain yung di mo kasundo. Awkward di ba? Kawavelength. Un pareho kayo ng trip. Eh may tao nga, wala pa mang ginagawa naiinis ka na. May ganun minsan eh.
Parang ganoon din sa promotion.Don't get me wrong dapat mahusay ka din. Yes, it's good to be skilled but it is also good to be likeable.
I personally had an encounter with a colleague na naging taong ampalaya dahil hindi siya maka-recover sa sinapit niya. Hindi niya matanggap hanggang ngayon bakit hindi siya ang napili ng tadhana. Ang end result napuno siya ng hatred. Sa taong nagpromote, napromote feeling ko pati sa aso nila kung meron man, nasipa na din niya. Damay damay na ito.
Sabi ko lang sa kaniya, maybe pinakita ng langit sa'yo ang character mo when "No" ang answer sa prayer mo. Nakita mo nagkaganyan ka. Nilabas ng promotion ang tunay na lalim ng at karakter ng pagkatao mo and even as a leader Syempre, hindi ko ganun sinabi. Sa BPO, kasi, may konsepto ng "positive scripting" pinaganda ko naman.
Ang end-effect kasi manira, mang-disrespect, magalit at pumanget. Nagiging halimaw ang pagkatao ng tao. Yung pakiramdam ng dapat sa kanya yun pero hindi.
Hindi talaga fair sa mundo. Pero hindi naman pwedeng 2 ang valedictorian noong highschool tama? At laging sa mga contest, may 1st place at 2nd place. Laging may winner. Laging may loser. Sa Miss Universe nga di ba, iisa lang ang korona.Sabi ko sa kaniya, alam mo ang lawak lawak ng planeta para sa lahat ng pangarap ng tao sa labas at loob ng BPO. Maybe, it's a preparation for you kung feeling mo dapat ikaw napromote at hindi. Yang pain, use it to prove and to be ready.
Humility din yun eh. Yung kaya mong tumanggap na hindi mo pa time. Na talo ka muna ngayon. It's a test of character. Perseverance and season ng stretching. Saka pain is a platform to minister sa ibang tao na hindi makakakuha ng promotion, you know the feeling eh. Un na-snatch un promotion sau sa perspective mo ha.Yung iba pa nga, bilang kaibigan ang hindi napromote. Sulsol din. Pero ang totoo inggit din naman ang dahilan. Ang tunay na friend, iba-balanse din. Hindi dinadaan sa bulag na pagkampi. Yun pala gusto din mapromote, wala lang lakas ng loob mag-apply. Naisip ko din , daig minsan ng makapal ang mukha ang mahuhusay.
Sa na-observed ko lang, yung mga napromote dahil close kay Mayor lang, later on madidiscover din. They will be found out. Narereklamo, nagpi-fail ng malala. Walang alam. Parang pelikula, "Tinimabang Ka Ngunit Kulang"
At yung napromote na talagang may potential na tunay, magkaka-alaman in time. Sa bunga nagkakatalo.
It's just a matter of time.#BPOtruetolifestories ✍