Sa Ngalan ng Promotion

96 4 0
                                    

Madalas nababalitaan ngayon sa sa social media at Hollywood news ang mga hinarass na famous celebrity early part ng kanilang career. As in sexually harassed.
There's a price to pay to be famous and to reach the stardom. That's the sad reality mapa-local or international sa mundo ng aliwan.

Sa mundong ginagawalan ko ngayon, uso din ito.
Marami-rami ako nakilalang napromote at ninasang mapromote na "binayad ang kaluluwa nila".

Kaya nga napaisip ako, how far and how can low can someone go para sa pangarap nila?
Yung kinalakal ang katawan nila para matupad ang inaasam na promotion. Yung nilunok lahat ng hiya at prinsipyo. Yung nagpanggap na manhid at kunwari'y di apektado ng chimisan sa Opis.

May isa nga akong naencounter, right after ng confirmation ng kaniyang promotion, nilayasan ang work. Nagresign.
Inisip ko di kaya nito masikmura ang chismis na kaya siya napromote dahil naging dyowa siya ng Boss o nasuka siya mismo sa idea na kulang ang skills at capabilities niya para inaasam na promotion at kailangan pang nakapackage ang katawan niya sa deal.

Walang na kaming pinagkaiba sa mga puta. Maigi pa nga puta kasi sila nagbebenta ng katawan kasi yun ang trabaho nila. Parte ng kanilang job description yun. Kami naman sa industriyang ginagalawan namin ay nagpuputa kapalit ng mas matayog pang mga pangarap. Sino ang mas nagasgas ang kaluluwa? Anu nga bang klaseng pagpuputa ito?

Was it worth the promotion? Is our dreams worth fighting for kung ang kapalit ay ang pagpayag na salaulain ka? Yung mahihiya si Sarsi Emmanuelle sa pelikulang "Bomba Queen" sa pinag-gagawa mo at mga eksena mo sa buhay. Yung ginawa mong literal yung "Patikim ng Pinya" ni Rosanna Roces sa Seiko films. Kulang na lang bumili ka ng Kama Sutra book at tutorial sa youtube para maimprove ang "skills" mo masigurado lang ang magandang future para sa'yo at pamilya mo.
Na hindi lang sarili ang sinisira mo pati buhay ng iba dahil may asawa , anak at pamilya ang Superior mo.

I don't think so.

Sapat ang grace ni God.
Masyadong malawak ang planeta para sa lahat ng mga pangarap ng bawat indibidwal.
Hindi masamang mangarap, pero yung pira-piraso ka na pagkatapos ng lahat? Walang kabuluhan.

At the end of the day, masarap makuha ang posisyon na minimithi ng pinaghirapan, hindi dahil pinagtihayaan.

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon