No Call No Show

66 1 0
                                    

Hello BPO workers, if hindi na kayo masaya sa work ninyo. Hindi naman ito pilitan or prison to escape from. Mag-paalam naman kayo ng maayos.

Anung petsa na nasa Opis pa ako.
Gumagawa ng NCNS (No Call No Show)notification or Return To Work Order (RTWO) ng agent kong hindi na matapos tapos ang pinagdadaanan sa 2018.

Kaya talaga ako naniniwala ako sa BPO, dapat may seminar ng GMRC at Values Education. May paworkshop para isulong ang kagandahang asal at pagpapahalaga sa trabaho.

Ang cheap ng commitment nowadays. Professionalism din.
Mas expensive pa siling labuyo sa palengke.
Parang hello nag-apply kayo hindi naman kayo pinilit. Ang lungkot when people don't value time and work nila.

Ito namang agent ko, 3 beses na nag-RTWO. Gusto yata hinahabol habul siya.

Last time January 16, 2018 nagtitraining pa lang. Absent ng walang notice.
Aba inulit April naman. Nangako naman magbabago. Pag kinausap mo naman mahihiya si angel Gabriel sa kaamuhan ng mukha, hindi pa ako tapos magsalita “Yes TL” matic na ang sagot.

Ngayon ito na naman fren, tinitext mo, message sa FB walang reply. Andami tuloy pumapasok sa isip ko bilang TL niya.

1.       Walang Load – pasahan ko na ba?
2.       Wala ng mobile phone ninakaw?
3.       May pinagdadanan na naman at kailangan niya ng me time?
4.       Kinain ng Lupa?
5.       Tumalon sa Guadalupe Bridge tapos nalason sa tubig doon?

Kaya ako hindi na ako nagpapaniwala sa sinasabi ni ANTMAN ng Marvel – “I believe everyone deserves a shot at redemption”

Hindi na ako maniwala. Nakakadala naman. Kahit pa christian worker ka kapag ganyan naman ang kaharap mo, binigyan mo na ng chance, not just once but twice at thrice. Kailangan ang tiwala ngayon, binabase na din sa track record ng tao hindi sa berber at kuda kuda lang.

Ang tagal ng proseso na pagdadanan para gawin ang RTWO. Uwian ko 1pm aba 3:49pm Ito nasa work ka pa.

Kayo naman, even sa anumang relasyon. Pag di na ninyo mahal. Pag ayaw niyo na. Magpaalam ng maayus. Hindi seen zone. Hindi nag-NCNS sa buhay ng iba. Magbigay ng reason. Yung mabigat na reason.

Sabi nga sa kanta, I’d rather hurt you with honestly than mislead you with a lie. Wag paasa. Pag ayaw na, ayaw na wag na maraming pa-suspense. Magsabi agad.

Sa mga magulang po diyan, guardians at nakakatandang kapatid, i-train ninyo ang mga hawak at inaalagaan ninyong mga bagets to really have that sense of responsibility, sa buhay at sa trabahong papasukan nila.
Pakituro po kung gusto nila ng maalwan na buhay, magpakahirap muna sila.
How to be professional, ilatag ang meaning dedication at puso sa kahit anung landas na tinatahak at yakapin ang mga bagay nasa kasalukuyan nila.

Hindi yung aalis ng wala paalam kahit sa school mag-toilet di ba ang turo ng maestro natin “May I go out” kahit sa BPO dapat ganun din “May I NCNS? 🤔 Hanga ako sa agent pag kakain during break at lunch. Iniisip ko itong taong ito naturuan ng kagandahang asal sa bahay or ng magulang.

Kahit nga sa mga nuno sa punso, may tabi tabi po nuno pa tayong nalalaman. Nagiinform sa laman lupa di ba. Sa tao pa kaya?

Kawawa din naman ang ibang company lalo pa’t di naman kayo inaapi. Pag gusto niyong mag OT go! Extra-income (lalo’t hindi force OT), Hindi ganun ka-toxic ang account at pati management. Lalo’t hindi naman “satanas sa lupa” ang TL’s or Boss niyo.

Wag masyadong selfish. Give and Take sa earth at lahat ng wor at relasyon.
Hindi lang kayo may pinagdadaanan. Kami din. Imulat ang mata para makita ninyong may ibang tao din sa paligid niyo. Na mas madrama at mabigat ang pinagdadanaan pero professional pa din.

Availability is still better than ability.

Nakakapagod din kasi as a Team Leader, imagine 17 na tao hawak mo tapos iintindihin mo yan lahat, papakibagayan. Mag aadjust ka sa kanila. Iba iba ugale, character at childhood niyan.

Nakakabastus lang din parang trip niya pala "Hide and Seek" eh di sana nag-abiso siya. Para naghanda ako.

Wag pa-VIP sa earth.

Kaunting konsiderasyon naman BPO peeps.
Mahalin natin ang Pilipinas. Ang trabaho at industriyang ginagalawan natin.

Patunayan natin na mali yung sinulat ng isang Koreano na ang problema daw ng Pilipino ay hindi niya ang mahal sarili niyang bayan.

Bakit? Bigyan mo ng trabaho dito sa Pinas ang pinoy, hindi aayusin. Lahat ng panlalamang sa employer ang inaatupag. Pag OFW – ginagalingan na akala mo wala ng bukas kung magwork. Saludo ako sa OFW bakit? OFW ako dati kaya may idea din tayo.

It’s about na time na mahalin ng Pilipino ang bayan niya at isa paraan dito para maprove natin yun, eh yung sidhi ng pagmamahal natin sa trabaho na pinagkatiwala ng Dios sa atin.

Are we really a good steward ng work na binigay ng langit sa atin?

#BPOtruetolifestories ✍

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon