Prelude:
Talamak sa kahit na anumang industriya o kompanya ang mga taong mapanira ng kapwa.
Yung feeling entitled. Feeling magaling. Feeling nila regalo sila ng Dios sa industriyang kinabibilangan nila.
Iba din kapag ikaw na mismo nakakaranas.
It's a test either ng character or may option ka na basagin ang mga panget nilang pag-uugale.This is my version of my truth. Isang kwento ng pang wawalang-hiya that happened to me recently. This is my perspective. My angle of the lens.
Chapter 1
Ayun dahil nag-sunset ang account/LOB ko. I was transferred to a new account right away. Hindi man lang tayo nagkaroon ng chance mag-emote at mag-luksa. Wala masyado time kahit kalahating walling waley.
Interview kuno pero formalization na lang yun. Start agad training. CCT training. Smooth sailing. Thank you next. Kasama ako sa Wave 1. Pioneer wave.
Little did I know. Sa PST o Product Training ako magkakaroon ng "challenge". Ito naman kasing manager namin sa product training nilipat ako sa kabilang wave. Wave 2. Sige. Join lang, kahit mag-facilities at magsandok ng ulam sa pantry go pa din ako. Di naman ako maselan at work work work yan.
Enter frame si Trainer. Ooops sorry! Correction PRT - Program Ready Trainer. Hindi pa ganap na trainer. Kaka-promote lang from agent to trainer. Kumbaga sa artista, starlet hindi siya star.
I work with Trainers before, usually they work hand in hand with TL's like me para magaan lang. Para masaya. Para gv lang.
Itong PRT na ito ay galing sa isang bansa sa Europe, para mag-product training. Akala niya pagbalik niya ng Pinas di na cya tinatablan ng gravity. Yung bang nakalutang yung paa sa lupa. Ang totoo sabi ng co-TL ko, siya lang that time ang may passport kaya siya pinadala. Apakayabang.
Ito na first day. Eh ito naman ako- fresh from team building ng mga previous agents ko from Laguna, overnight. Ayuku namang mag-artista at pa+special sasa first day pasok pa din tau sa first day ng product training. Kahit walang tulog.
Bagong agents na naman kasama mo, tahimik muna ako. Hindi kasi ako bida bida personality. Hindi ako si Jollibee fren. Pasweet lang sa isang sulok. Murag Leon na nagobserve ng mga zebra.
Ito ang juicy portion. The day after may escalations. My Operations Manager (OM) spoke to me, hinila ako sa gilid ng pasilyo...
OM: Can I talk to you?
Me: Sure Boss.
OM: Kenjie is is true that...*Isa isahin ko na ha*
1. Sleeping during training.
2. Not participative.
3. Using mobile phone during training
4. Loitering during training.Me: *Silence* Boss itong judgment na Ito sa Day 1 lang lahat ito?.
Sleeping? Baka nga po napapikit ako (Sino bang forever dilat sa training? At galing ako team building di ba so may chance na totoo yan)*boring din cya magturo sana pala hinilikan ko cya*
Me: Tapos not participative? Eh Boss ako ho ba ung trainer? Nung magpagawa cya ng drawing ginawa ko naman (lahat naman sa class nag-drawing) Boss kakalipat ko lang sa wave na ito, hindi ko sila kilala din. Nilipat niyo ako (alangan namang mag-production number ako ng "Itik-itik sa Manila Zoo? Though, kaya ko naman)
*Aba TL ako mqagti-training, saka I know my place sa training room. Product training alangan namang ako magfacilitate ako ba dinala sa abroad?*
Me: Mobile? Boss nire-require ni SOM na magreport ng attendance kaya kami nakaphone kami ng kasama kong TL (anu mag-ML ba o candy crush?)