BPO Tips: Sa Mga Newbies

55 4 0
                                    

1. Mahalin ang trabaho. Wag ang katrabaho.
2. Wag labagin ang mga bawal -
-release/dropped ng call
-dugasin ang kumpanya
-magbabad sa call ng walang reason
-magpanggap na walang call na nakikita at ituloy ang chismisan. Be productive.
-kaibiganin ang mga guards, workforce, comm coach, QA pati taga sandok ng kanin at ulam sa pantry ninyo.

3. Be professional - avoid unnecessary tardiness nor absences. Malaking part yan ng promotion. At lung sablay ang performance matira man Lang Ang attendance mo.

4. Tratuhin ang customer na parang dumating si Mayor. Kaibiganin lalo pag may sarbey ang account.

5. Be skilled and be likeable. Partner yan.  Magaling at gustuhin ka ng tao. Aspire excellence sa murang edad nila.

6. Magtoothbrush. Para lahat tayo masaya. Baon ng candy. Para di makaabala.

Mahalagang maiwasan natin ang amoy na pupu ng aso, mapanghing malakape, ipot ng kalapati, bulok na ingrown, patay na tuta or pagkain ng mga di nararapat tulad ng basura. Lahat yan naamoy ko na kasi sa BPO industry eh sa bibig nagmula lahat yun fren 🤔🤔🤔

Epektib ang white flower, katinko sa mga ganitong pagkakataon. Walang maooffend. At adjust adjust din.

7. Wag kontakin ang customer sa pamamagitan ng pangungulangot tapos ihahawak sa keyboard. Hygiene. Gamitin ang Avaya.

Nahawakan ko na din minsan at talagang kinunfirm ko pa at after few minutes I therefore conclude it's a booger. Akala ko kasi bubble gum na dark chocolate flavor. 😌😫🙄

8. Ipolish at masterin ang basic English language. Wag pag awayin ang subject at predicate. Alamin kung kelan gagamitin Ang IN, ON at AT.
Hindi kung san na lang naipatong o abutin ng antok. Pag may "did" na wala na kasunod na past tense. Rebyuhin ang singular at plural.

9. Wag sugapa si bidet. May susunod pa sayo. at Iflush ang C.R. - wag ng ipunin hindi naman yan nakakayaman.
10. Be a blessing in the workplace. Always 😁

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon