Working in BPO industry, I handled a lot of working students na mga agents din sa call center.
I can't forget this wave na hinandle ko na 3 students sa team ko pa lang.
May late galing school, akala yata nila McDonalds ang call center na puedeng pumasok pag okay na sila sa school. Tumatakbo na akala mo late sa susunod na klase bilang naka-school uniform pa. Yung iisa aalis na magreresign kasi nakaipon na ng tuition. Bruho di ba.
Pero di ko malilimutan ang isang agent ko. I was listening to her live call at bigla siyang nawala. During the convo hello ng hello yung customer. Pagtingin ko sa direksyon ng station niya. Kinailangan ko pang lumapit kasi nakasubsob yung mukha sa desk niya. Sumama na pala sa liwanag. Hinele ng mga angels habang suot pa ang uniform sa school. Tulog na tulog na pala. At naghihilik pa ata. Literal na subsob sa trabaho.
Ako: *kalabit* Please go on coaching..
Agent: *habang pupungas pungas pa* TL?
Ako: Sige fix yourself muna. Then go to my stationCoaching session..
TL: What happened?
Agent: TL pacencya na po. Galing po ako sa school nagpraktis pa po kami ng activity ako po yung head ng event.sa school.TL: Eh paano yan may work ka alam mo naman business ito. Hindi scholarship foundation. Bakit di ka magfocus sa school mo muna?
Agent: TL, ako po kasi panganay at wala pong magbabayad ng kuryente namin.
Natigilan ako. Nadudurog yung puso ko. Kung makikita niyo yung ityura ng agent na nakatulog sa pagod dahil galing ng eskwela. Hindi ko mapagalitan. Mas naawa ako.
TL: Nasaan ba parents mo?
Agent: Ah anjan na po kaso wala kaming tatay.
Gusto ko po makatapos...
*kaya pala wala siyang middle name*Ako yung muntik maluha sa coaching session.
Normally, mahigpit ako sa attendance pero wala akong kapasidad na magalit sa batang ito. Kababaeng tao pero yung puso sa pamilya talo pa yung Ama na nang iwan sa kanila.
Muntik akong umatungal pero naisip ko ako yung TL at siya ung nahihirapan. Hindi ako, so wag OA.
Ang bigat bigat ng dibdib ko noong oras na iyun sabi ko "Cge ganito magcoaching ka ng makatulog ka pa muna. Para may lakas ka maya-maya, gisingin kita pag queuing na."
Sana mas naenjoy niya yung life niya sa ideal world. Although, I can relate kasi nagworking student din ako pero iba yung sa gabi sa call center, kasabay namin nagwowork yung dancer sa mga club.
Dumating pa sa point na ang ibang agents ko, nagseselos bakit daw siya pag late di ako nagagalit. Pilit ko mang ipa-unawa di nila maiintindihan. Iba siya sa sitwasyon nila. At sa murang edad, kapos sila upang umunawa.
Durog na durog yung puso. Wala akong pakialam na akusahan man ako ng favoritism ng ibang agents ko that time. Opinyon lang nila yan. Hindi maibabayad ng kuryente o maibibili ng pagkain ang opinyon na iyan.
Minsan sa trabaho at posisyon ko, dapat tao ka din. Bababa ka sa buhay nila at papasukin mo yung kaluluwa nila para maintindihan mo yung bakit. Iba yung abusado. Iba yung ito na lang yung nakayanan.
Sana natupad nya ang pinakamimithi niyang diploma. Sana.
Saludo ako sa mga working students at nagtatrabaho na ngayon.
#BPOtruetolifestories ✍