Awkward din na magturo ka ng GMRC sa mas matanda sau. Sa school noon, kinder pa lang tinuruan na tayo ng salitang "Titser may I go out?" pag nawiwi or napupu ka.
Sa trabaho dapat ganun din. Kung may sakit ka or anumang dramang bukid sa buhay na di maiiwasan. Magaabiso kayo ahead of time. Di ba sa school hindi naglamyerda ka na saka ka magsasabi sa guro mo pagbalik.
"I can't report for work because...."
Hindi yung tigulang ( thundercats, fossil levels, matanda) na eh di pa natin magawa.
Paggalang sa trabaho tawag doon.
Yan ang problema sa ibang pinoy sa sariling bayan... Bigyan mo ng work walang pagpapahalaga
Aabsent. Malilate. Unprofessional. Walang malasakit sa company. Tapos reklamador ang iba. Ang huhusay magreklamo at magchimisan pero hindi naman mapanindigan ang mga trabaho.
Hindi bagay sa low performance ang mga pinaglalaban.Pero ang pinoy dallhin mo sa abroad ang huhusay. Tinotodo ng mga OFW ang performance marenew lang contract. Mabuhay ang mga OFW.
Overtime ng overtime. Kahit maysakit tinitiis. In denial sa mga sakit makapagpadala lang ng malaki laki. Dito sa Pinas, kaaarte ng ilan.Dapat isa sa mga ng agenda ng BPO Industry sa training pa lang ang "GMRC" Good Manners & Right Conduct. Hayskul tawag namin jan "Values Education".
Sa mga magulang pakisuyo na din po.
Maraming nakakalimot. Hindi naman tayo barbaric age fren.
#BPOEncountersP.S. nung time namin mahirap maginform, hahanap ka pa ng pay phone na malapit sa inyo kahit nilalagnat ka at ityurang 40F na init mo sa thermometer. Ngayon nga FB messenger at text message lang inaaccept na. What's the challenge? 🤔🤔🤔