Tips to Detoxify your Agents

78 1 0
                                    

Dahil sinasabi nilang stress, toxic at haggard daw sa BPO industry, dapat as a Team Leader, gumigimik-gimik tayo para i-drive ang performance.

Syempre, nagstart ako as agent. Aminin na natin, stressful din naman talaga ang ibang customers, yung parang tumawag lang sila para tumalak, mangmaltrato at ipamukha sa kausap nila na bilang malungkot ang childhood nila kaya damay damay na ito. Bukod pa sa malungkot na childhood ng teammates nila, ni Manong Guard/s at yung serbidora sa pantry ninyo na parang ayaw mamigay ng ulam, gusto yata yumaman na lang sila. Totoo ba?

Kaya kapag bagsak ang performance ng team. Marami din akong pakulo o paandar sa production floor, kaya pati workforce team, karatig station akala nila may comedy bar sa gitna ng production floor.
My background as thespian or theater actor, aba ang laking tulong din.🤡 Para lang magaan un atmosphere

Note: Hindi ito dapat basahin habang kumakain ☹. Ikaw din.

Gaya halimbawa pag mataas ang AHT... (Average Handled Time o yung haba o tagal ng kanilang pakikipagusap sa customers)

Ako: Pag hindi niyo binaba ang AHT (talk time)niyo, itaas niyo na lang yan, habaan niyo ung calls niyo. Wala namang problema! Ayuku na ng maikli ang "

Binababa naman nila. Weird.

Pero mas epektib ito.

Ako: " Pag hindi niyo binaba ang AHT niyo.. ibaba ko pants ko!"

Agents: Go TL! Take it off! *palakpakan*

Talaga naman. Ako na yung nahiya. haha Di umubra. Kaya tinodo ko na din.

Ako: " Pag hindi niyo binaba ang AHT niyo maghuhubad ako dito! Seriously!"

Agents: *nagsipagtigil sa chat* Push TL. Woot!

Supportive naman pala sila. Tatawanan lang ako ng mga pakto at pakta.🤔

Pag bagsak ang sarbey ng customer satisfaction.

Ako: "Ayusin nyo yang pagsusupport nyo sa customers nyo pag hindi mago-oblation run ako sa buong production."

Serious akong nagagalit. Cyempre. Dapat mukha akong serious. Para magwork yung punchline.

Minsan naman.

Ako: "Pag di nyo inayus yang performance niyo. Tatae ako sa gitna ng production at uuwi na ako. O di ba gusto niyo ba yun mabalitaan? Ibidyu nyo ko para mag-viral imagine niyo yung headline "TL sa isang BPO tumae sa gitna ng production area" subheadline- "dahil sa poor performance ng kaniyang team" Gusto nyo ba yun team?

yung agents ko pati sa tabi naming bay di alam kung serious ako o anu sa floor.

Pag matigas ulo ng agent, laging late at laylay pa ang performance...

Ako: "Anu pa bang pinaglalaban mo dito? Bilang ganyan ka ako na lang magre-resign. Uunahan na kita. Kumbaga, sa barkada wala kang pakisama eh. Ako na lang aalis. Aalis na ako agad agad ngaun na"

Agent: TL hindi naman po.

Epektib din. Cyempre. Keme lang yun.

Ginagawa ang mga iyan pag nakapagestablish na kayo ng relationship sa agents niyo.

Minsan pag maingay pa sa tindera ng isda at barker sa crossing edsa yung katabi mong Team Leader na feeling matalino at Gods gift to BPO. ..

Ako: *Wave ng kamay to get his attention*
"Paki-hinaan naman yung kwentuhan nyo ng agents mo nagku-coaching ako"

pero ang gusto ko talaga sabihin ay...

Ako: *Wave ng kamay to get his attention*
"GANDA KA? Talipapa ba ito? the last time I check call center pa ito"

Alam nyo ung ingay na nakakaasar. Yung feeling.mo pag un kapitbahay mo 11pm na kanta pa ng kanta kahit 8am nagstart. Ugale din eh. Wala ng GMRC, bida bida pa ng napanuod.
Spoiler lang naman ng Walking Dead ang pinag-uusapan. Na di mo na din maintindihan bakit si Rick at Mishon nagkatuluyan at nagkahalikan. 🙄 Wala.na din maisip yung writers ✌

Detoxifier ang trip ko sa work. Sabi ko nga sa agents ko, the last thing I want to be is makakadagdag pa sa problem nilang personal, family issues, ung stress gawa ng pila ng MRT, partners at dyowa nilang maraming issues.

Madaming ng bad vibes sa earth, hindi na ako dadagdag pa.💆‍♂️

Ayuku pang mag avail ng St. Peters.

#BPOtruetolifestories ✍

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon