How To Get a Dissatisfied CSAT Survey 101

118 3 0
                                    

Eksena sa BPO. Call Listening.

Customer: Where are you from?
Agent:  We're located here in the Philipenes.
Customer: Which City
Agent: Oh Manila.
Customer: Okay! 😀 I'd been in Manila a couple of...
Agent: That's perfect. *interrupting*
Customer: times... I have many filipino friends and one..
Agent: Oh that's perfect.
Customer: One is buried in Manila...
Agent: I'm sorry for that.
*Jaclyn Jose School of Acting*
Customer: I went to her grave and put flowers there for her.
Agent: Oh that's perfect and nice talking to you Ma'am

Customer: Okay. I guess its morning for you.
Agent: You too have a goodnight.Take care.
Customer: Bye.

Ayan bagsak ang sarbey ni agent. Out of 5 star rating 3 binigay ni customer.
Ganito kasi sa BPO, pag CSAT (Customer Satisfaction) driven ang account, yung empathy dapat pang "Urian Awards" ang labanan. Pukpokin mo ng drama. Mala-soap opera. Yung mahihiya si Cardo Dalisay.
Yung mas madamdamin ka pa kay Kara David habang nagvovoice over sa iWitness at talunin mo yung delivery ng mga linya ni Doris Bigornia ang Mutya ng Masa na mas bagay sa Bingo Bonanza.

Going back to empathy, dapat matuto ang agent gumamit ng:
Nora Aunor School of Acting. Mas emosyonal ang delivery ng empathy, mas maganda future mo sa BPO.
Tulad ng "I'm so sorry to hear that. Hope you are feeling better" sa tono ni Nora Aunor.
Syempre hindi Vilma.Santos school of acting. Hindi hysterical baka maging suspek ka.pa sa pagka-OA mo. Hindi puedeng:

"I'm so sorry to hear that. So sorry! Sorry! Nasan si junjun!" sa tono ni Ate Vi. Baka sabihin ng customer kamag-anak mo ba?

Hindi din pwede ang Maricel Soriano school of acting.

"I'm so sorry to hear that! I don't like dirty, I don't like smelly, ayoko ng masikip. Ayoko ng walang tubig. Ayoko ng mabaho. Ayoko ng walang pagkain......Ayoko ng putik!!!"

Escalation ang ending mo noon. EOP (English Only Policy) violator ka pa. Hindi commendation. Sila ang nawalan. Tapos kinagalitan mo pa.

Hindi epektib ang linyahan ni Jaclyn Jose sa mundo na ito. Monotonous, madamot sa emosyon at huhulaan mo pa kung galit, masaya o malungkot na ba siya. Mawawalan ka ng career sa industriya ng BPO. Hinding hindi siya peg.

Dapat mas plastik ka pa kay Kris Aquino. Yung parang gustong gusto niyang kausap yung guest niya pero off cam di sila naguusap.
Pagbukas ng ilaw, simula na ang palabas. Nagtatransform. I watched Kris minsan sa studio mismo. Aba, pag go na pati audience magiliw na siya.

Sa BPO dapat ganun din. May dual personality ka. Kumbaga kay Beyoncè may alter ego ka as Sasha Fierce sa phone. Rakrakan.

Showbiz din sa BPO. In a good way ha.

Yung mga naging Celia Rodriguez at Odette Khan. Ayun terminated. 🤔

#BPOtruetolifestories ✍

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon