How To Get Away with Tardiness

94 5 0
                                    

BPO Kwentoserye.
Episode Title: How To Get Away with Tardiness.
Scene: 45mins late si agent.

Agent *humahangos acting habang putok na putok ang make up at pulang pula ang bestida*: TL sorry po late ako. Naaksidente po pinsan ko. Ako po nagbantay at walang kasama.
TL: *check time* Anyare?
Agent: Galing po ako ospital, sa Alabang General Hospital. Nabangga po ng scooter sa kaliwang paa.

TL: Naku. Okay naman ba siya. Pero hindi ba sa PGH yan?
Agent: TL sa Alabang po. Malapit sa Starmall. Pagkaliwa.
TL: Luh. Cge maglog in ka na.

Mga mahaderong teammates:
TL wala pong Alabang General Hospital. Sogo po un andun.

TL: *search sa google*
Alabang General HospitalResult: hmmm wala nga.

Chineck ityura ni agent:
1. Putok na putok makeup at lipistik na pula
2. Basa ang buhok
3. Offshoulder na bestida na bloody red na parang Swift Mighty Meaty Hotdog na naging tao at si Elektra.

In short, fresh na fresh.
Hmmm. Tinawag si agent. Coaching ka sandali.

TL: Sang ospital ito?
Agent: Alabang General Hospital
TL: Anung room ba andun pinsan mo? Anung name? Tatawagan ko kasi at wala palang kasama. Kawawa naman.
Agent: TL Marife Gatuz po. Room 304.
TL: anyare nga sa kanya?
Agent: Nabangga po sa binti.
TL: O akala ko sa paa. Team walang uuwi bibisita tau sa pinsan nya sa Alabang General Hospital. Kay Marife Gatuz.

*namutla si agent pero pinandigan*

After shift.

Agent: TL pacencya na po. Late lang ako nagising natakot lang po ako sa inyo baka magalit kayo saken.

TL: *nasamid* Next time ha, just let me know the truth. Kawawa naman si Marife Gatuz. 😭

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon