Mandirigma ng Pagkaen sa BPO

95 3 0
                                    

"Nasa BPO ka kapag... mahihilig kumuha ng pagkain sa ref sa office na hindi kanila."

Totoo. Minsan nga, nakita ko nakapost sa pridyider namin sa opis. Sa sticky note na yellow in all caps: "IKAW NA KUMUHA NG UBAS KO MALASON KA SANANG PATAY GUTOM KA!"

Tawang tawa ako. Gigil na gigil. Ang mahal nga naman ng ubas lalo na pagseedless buti sana kung santol yung ninakaw sige na lang eh. Diet yung mandirigma.

Sunday. Pag graveyard shift ka at sa Ayala Makati ka noon nagwowork, at bilang bihira ang tinda doon at sarado mga jolly dyip, dapat may dala ka ng food kung hindi Siopao na naman ng 711 ang kaulayaw ng bituka mo. Ito, nagbaon ako ng Cinnabon un mamahalin tig 75 isa bale 150. Mahal na yun nung mga 2005. Nilagay ko din sa fridge. Walang laman ang isip ko buong shift kung hindi lunch break. Aba, noong nasa pantry na ako. Kinuha ko sa fridge. Sabi ko bakit magaan nilagay ko pa din sa microwave pero magaan. Hala, pag bukas ko wala na yung laman. Swapang at sugapa din itong magnanakaw na ito. Hindi man lang nagtira dalawa naman yun. Walang diwa ng pagbibigay, yun bang "1 for you and 1 for me". Walang konsiderasyon. 😏

Sa asar ko. Yung natirang chocolate sa kahon, yung dumikit sa mga gilid gilid, gamit ng hintuturo ko sinimot ko. Sarap na sarap ako sa kapirasong chocolate vanilla. Mahihiya yung palaboy sa ityura ko buti magisa ako sa pantry. Ako pa yung nagmukhang timawa.
Muntik na din akong magpost ng sticky note pero I decided wag na. Walang originality. Pinagpray ko na lang bilang christian naman tayo (naks!) Na malason siya! haha joke lang haha haha. Sabi nga ng team mate ko baka si manong guard daw yun, minsan sila daw mga tirador din daw eh pero walang proof mahirap naman magbintang that time. Although chineck ko lahat ng bunganga ng mga nasa production baka may chocolate na tira. 🤔 Inisip ko na lang bday ng kawatan at ako ninong niyang herodes siya.

Meron din sa Centris banda. Aba yung magnanakaw pati ung lock&lock, tupperware, microwaveable, kubyertos inuuwi pati ziplock. Gusto pa yata kumpletuhin ang kitchenware niya. At ang hilig nya sa dessert. May sweet tooth ang ungas.
Birthday ng kateam ko yata. Tinabi namin ang cake- 3 slices pa. Aba nung mag 2nd round kami ng kain nasalubong ko si Kuya na agent, may dalang cake at nasa microwaveable na clear. Same chocolate cake.
Pagsalubong namin, sabi ko "Parang cake ko yan". Napalakas boses ko di ko sinadya.
Sabi ko sa guard "Manong cake ko yata yun"
Aba,si kuya sumiksik pa sa elevator na maiging matagal bumukas at bumaba haha
Pagdating ko sa pantry. Wala na ung cake aba hindi man lang tinapon yung pinagpatungan ako pa nagligpit. May ugale din. Magnanakaw na tamad pa ang daming kapintasan di ba? 🙄

Ayun nga. Naconfirm buong floor at other floors madalas mawalan ng food, minsan sinigang na puro sabaw. Nawala. Madalas cake at panghimagas. Iisa suspek at ayun nahuli naman siya.

Kaya di mo din masisisi BPO industry- may registration at padlock na din fridge ngaun. Hassle lang pero safe na din. Para labanan ang mga "Mandirigma" na gustong kakain ng pagkain ng iba. Free coffee sa vendo machine,  free meal pa ba? Abuso. Wag ganun huuuy!

#BPOtruetolifestories ✍

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon