Team Huddle.
Originally, I planned to discuss the 3 chapters ni John C Maxwell tackling passion, failure and isa pa na nalimutan ko na. Pacencya. Short term memory loss.
Ang question ni John Maxwell doon s passion, "What do you dream about"?
I asked my agents one by one. Ibat-iba sila ng sagot. May simple at payak na pangrap. May malaki.
As I about to share mine...Narealized ko yung faithfulness ni God sa buhay ko.
I was telling my agents about my a particular season ng buhay ko.
"Ayaw kong mamatay na mahirap"
Natigilan ako. At naluluha ako. Medyo naiyak na pala ako. Wala naman akong planong magdrama at 5 am ng umaga yung at may mga bago kong agents na kakajoin lang sa team baka akala pinapakitaan ko sila ng acting skills ko haha.
"Naalala ko yung panahon na araw-araw kaming naguulam ng kape. Yung sinasabaw sa kanin. [Ang tawag ng Tatay ko sa bisaya "Tinughong".
Na dumating sa point na nagsawa na ako kaya bumili ako ng Oishi na tig-pipiso pa noon sa tindahan. Na ng inulam ko aba parang lechon manok ng baliwag. Sinawsaw ko pa sa suka.
Tumirik tirik pa yata yung mata ko sa sarap. Sabi ko noon lilipas din ito na puro kape na lang inuulam ko. Nakatingin ako sa minsan noon""Naglalako ako ng meryenda ng hayskul ako pag weekend. Banana que. Pilipit. Maruya. Alam ko pa yung sequence kung paano ko sinisigaw.
Ang itim itim ko noon."Marami pa akong kinuwento... at pagod na ako magtype.
"Pero ang faithful ni God kasi tinupad nya lahat ng pangarap ko."
Nung hayskul kaya ako nakapag Jollibee lang ako nung sumahod ako sa paluwagan sa skul. Madalas ko na kainin nun mani na tinda ni Aling Tinay sa Parola (Cainta)
Mula noon, hindi na ako ulet nag-ulam ng kanin sa kape. Yung dukhang-dukha yung pakiramdam. That feels.
Pati sa susunod na henerasyon ko. Ayuku.
Kaya sabi ko sa mga agents ko..."Hindi ninyo kasalanan na pinanganak kayo na mahirap. Pero ang kamatayan ninyo na mahirap pa din kayo, pananagutan na ninyo iyan. Binigyan kayo ng 20, 30, 40, 50 years you have those chances."
"What do you dream of? Ayan ang magbibigay ng hugot sa inyo para sa mga panahon na tinatamad na kayo sa work, nagsasawa (wala namang work na di nakakasawa) diyan kayo huhugot ng lakas ng loob. Sa mga tao na umapi sa inyo diyan kayo huhugot"
Kukuda pa sana ako kaso anjan na ang workforce namin "Time out" na daw. Madalas akong awatin dahil sa overtime kong huddle.
We ended the session praying.
#BPOtruetolifestories ✍