I received a message few days ago. Masyadong mahaba daming kuda din haha seriously it strengthened me at inuga ako to the core.
Ito yung end goal ko ng trabaho ko. To speak life, and call out (people) and gear them towards their destiny. (Masyado na din kasing maraming tao ang nagha-halimaw 😈negastar at masama sa mundo kaya pinili ko at ayuku ng dumagdag pa.)
Nakaka-wasak din pag nakakabasa ka o nakakarinig ka ng ganito habang buhay ka pa.Let me share the story on her perspective.
Disclaimer: Masama talaga ugale ko.
============================TiEl 😭 naiiyak ako. Grabe. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos sayo. Gusto ko lang po magthank you. Kung hindi dahil sayo hindi ako tatagal dito sa CVG. Hindi ko akalain na aabot ako ng isang taon. Hindi tayo sanay sa dramahan TL, pero hindi ko po mapigilan. Grabe. Unang una, thank you sa considerations na binibigay mo sa'kin noon kahit parang medyo kunukunsinti mo ako sa lates at absences ko. Thank you po dahil ikaw yung unang nakakita ng potential ko sa trabaho. Naaalala ko nun, pa-AWOL na sana 'ko nung transition pa lang. Yun naman kasi talaga yung hidden agenda namin ng mga kaklase ko. Raraket lang talaga dapat kami sa cvg 😂 isusummer job sana namin. Ayun, lahat sila tinotoo yung summer job, ako naman nagstay. Pero dahil sa hiya ko sayo sa lahat lahat ng consideration na binibigay mo sakin, hindi ako nag-AWOL. Saka nakakahiya talaga sayo TL ano ba 😂 After nun, binigyan mo pa ko ng option kung school o werk yung gusto kong iprioritize. Tumatak sa isip ko yung "You cannot serve two masters at the same time." Ikaw yung unang taong naniwala sakin na kaya ko. Thank you po sa palagiang coaching para lang pagpahingahin ako. Saka TL, sobrang namotivate talaga 'ko sayo. Kaya laking sama ng loob ko na lang din nung _________. Pero TL ang laki ng part na ginampanan mo sa paghubog sa mga abilidad ko na hindi ko naman inaasahan na kaya ko palang gawin. Sobrang nakatulong yung pagpapaiyak mo sakin tuwing coaching. Saka TL, sa totoo lang, pag naghuhuddle tayo, walang panahon na hindi mo natotouch yung puso ko. Grabe. May mga time na nagtatago ako kasi nakaka"teary-eye" yung mga speech mo. Ayoko lang nagmukhang iyakin sa mga kateam ko. Nakakapanghina talaga TL, I swear. Pero at the same time nakakalakas ka ng loob. Ipagpatuloy mo lang po TL. Alam kong hindi ka perfect pero sa totoo lang idol na idol talaga kita. Idol ka namin ni Migs. Sobrang hanga ako sa inyo. Pati sa bilis ng utak mo mag-isip ng mga punch line. Ang jolly jolly mo TL, bihira ka ngumiti noon pero ngayon pag nakakasalubong kita palagi ka nang nakangiti. Hindi ko talaga alam kung bakit ang gaan gaan ng loob ko sa inyo. Favorite kita TL. Thankful ako na naging TL kita. Gusto ko sana na ikaw na lang TL ko for life kaso hindi pwede. Kailangan siguro talaga na maexperience namin kung pano maghandle yung ibang TL para matuto kaming dumistinguish ng magaling sa hindi. At masasabi kong magaling ka talaga. Gustong gusto ko kung pano nyo kami nahandle noon. Nanghihinayang ako nung nawala ka 😭 pero thankful na din ako TL. Ingatan nyo yung sarili nyo TL, grabe. Wag masyado magpagod at magpakastress. Enjoyin mo lang yung buhay. Alam kong malayo yung mararating mo sa sobrang buti ng puso mo at sa linis ng hangarin mo sa buhay. Sobrang mamimiss po kita. As in talaga! Thank you ng sobra sobra TL! Saka sorry po sa stress na nacause ko noon sayo pati sa mga mistakes ko. Thank you sa mahabang pasensya mo. Ngayon pa lang masasabi ko po na isa ka sa mga taong babalikan ko para pasalamatan dahil meron kang malaking papel na ginampanan sa success ko "someday". Thank you talaga TL. Sana wag mong kalimutan yung nag-iisa mong "Angela", "Trudis" at "Malaswa". Yung may pinakamahabang biyas sa floor XD hindi ko din makakalimutan yung mga turo at payo mo. Thank you talaga TL huhuhuhuhu shete 😭 love love TL Kenjie ❤️❤️❤️