BPO Hiring Process and this Election.

34 1 0
                                    

It's funny sa BPO industry kapag sa applicant we have qualifications. Basic yung dapat may good command ka ng english language, maayus ang health mo at part ng employment requirements ang NBI clearance. Dapat clear ka pati baga mo sa medical exam at dapat nag-aral ka man lang till high school na nga lang minsan.

Sa interview, depende sa position. The higher ang post, maproseso ang interview. Yung minsan nalito ka na sa mga tanung at di mo alam kung Binibining Pilipinas ba yung pinasok mo.

Pero di ba dapat sa pinakamataas na position sa government esp. senators, governors hanggang President ganun din?
Pag may record sa NBI pero, hindi nadi-disqualify to serve the country eh may track record na.

Sa BPO industry, madalas balikan ang talent acquisition team, ang hiring team kapag "red flag" ang hinire nila. Red flag sa amin yung bungol hindi lang sa English, pati ugale, attendance, performance during training pa Lang.

Ang daming "red flag" na tumakbo mula senator hanggang councilors. Dapat may maayos na screening process.

Kapag ang magnanakaw na agent ay nakasuhan sa isang BPO company, hindi na yan makakabalik pa eh bakit sila nakakabalik pa. Walang terminated o convicted agents sa industriya namin ang nakakabalik pa. May it be performance or lumabas sila sa rules Ng company. Wala din namang agents na gustong magwork after maeskandalo unless wala
kang kahihiyan.

Sa BPO, management will intervene sa screening process ng applicants. A Team Leader will be one of the interviewers para masala. Sana may screening committee din.

Sa'ming industriya hindi basta basta papasa kapag wala kang angkop skill set na required for the job. That includes the character kaya nga ang interview minsan 3-5 na halos. They really dig deep. Daming tanung na hindi naman bagay sa ityura ng pantry nila. May background check pa pag financial account ang ina-applyan mo.

Pero dito sa bayan natin, pinapayagan natin?
Why do we allow this to happen?

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon