Ang Shibolibambam at Ako

43 2 0
                                    

Sa industriyang ito ako namulat na para mapromote hindi ka lang skilled, likeable ka pa.

Pag di ka ganun ka skilled - dalawa lang ang pupuntahan mo...

Maging sipsip sa boss o manira ka ng kapwa para sayo ang pinakamimithing promotion.

Sipsip meaning straw. Lahat ng gawin ng boss purihin mo kahit minsan hindi totoo. Yung faney na faney ka niya. Kahit di nakakatawa kwento, tatawa ka. Plus points yun.

Yung ibang sipsip naman. Wag na. Hindi na ako pupunta doon. Mahihiya ang mga nasa "Mystique" sa Timog sa eksena ng mga ito sa work. Rated 18. Patnubay Ng Magulang ang kailangan.

Sa ngalan ng promotion. Package deal. Ang theme song yata nila ay "Signed Sealed Delivered" i'm yours ni Stevie Wonder.

I recently had an encounter with this 'being' na tatawagin natin sa namesung na si Bart Shibooli Bambam Simpson.

Normal encounter ko sa mga FC/ Floor Support/ Workforce o Scheduler mababaet naman. Ito si Bart kakaiba. Shiboli bambam na back fighter. Hindi din mahal at kinarga ng Papa niya nung baby siya kaya ayan ampalayang tiborsya. Noong una akala ko siya yung leader ng mga workforce sa building namin.

Yung mukha niya kasi hawig dun malaking sayote sa game Plant vs Zombie. Yung bago tumalon sa zombie. Aburido cya fren. Mahihiya yung SD namin sa asta niya ( Site Director). Parang Jail Warden sa Correctional.

Kung makautos pa sa mga TL akala mo mas mataas ang jobgrade at sweldo ng shibs na ito.

Lalapit yan "TL yung agent mo overbreak" di ba work ng FC i-call out mga ganyan. At iritable pa eh minsan di pa ako nagkakape kakadating ko lang. Gusto kong lamutakin... un papel sa harap niya. Pero gusto ko dalehin sa mukha. Ang aga aga nakabusangot. Bad trip di ba. Sana kinausap ko na lang yung pandesal over her/him/it.

Minsan, lalapitan for swap sched or sched request ni agent. Aartehan ka agad Ng "Anung gusto nyong gawin ko?" Parang kuyumad na galit. Gusto ko sana sagutin, "Halika papawis tau"

... meaning papawis kasi sasayaw kami ng "Tala". Pero may mga tao talagang masarap yakapin... hanggang di na makahinga. 😂

Syempre nagri-research tayo ng mga ganyang tao. Sa mga ganitong pagkakataong, malaki ang ambag ng chismis. Sila ang makakapagpatunay bukod sa CCTV. Alam natin yan. Kaya naman pala makaasta si shibolibambam ay dahil taga buhat ng maleta ng boss. Katulad sa showbiz, kumbaga sa artista may P.A. or road manager. At madalas, ang ibang P.A. or road manager mas suplada at mas attitudera pa sa artista. Yung pag nagpapapiktyur ka nakasimangot kahit ung celebrity hindi.

Siya yung P.A ( personal assistant) muchacha de lulu. Ganyan cya umasta sa prod ng di tama. At ayon sa aking bubwit, dyowakels ng isang manager.

Nalaman ko na chuchubels. Tibo na chuchu pa. Daming trip di ba wala namang miyo! 😂 Yung mga joke ko sa agents pinaparating sa boss namin na hindi na joke. Iniba context ng kwento para bumango cya sa amo namin. May mga ganung tao talaga sa earth. Yung kwento na nagpapasama sa ibang tao lalo hindi totoo. Sugo ni taning. Yung binababa ang kapwa empleyado na ang ranging intention ay manira ng kapwa.

Dito ko din napapatunayan if ang leader matalino sa desisyon. May discernment. Yung bang pag may kaclose mo na panay bulong sau ng ikakasama ng kapwa. Naginvestigate ka muna. Yung iba ngaun tamad na maginvestigate. Judge kung judge.

Naappreciate natin yung mga nagtatanung muna. May "Solomonic wisdom" hindi naniniwala sa mga fantards lang. Sa mga bulong bulongan lang.

Hindi ko talaga ito malimutan. Sabi ng fren kong TL na si Petite.

Petite: Fren alamoba nag meeting kami kagabi. Tinanung ni Madam sino daw nagbabantay sa umaga kasi walang SME dahil si TL Batungbacal ay di naman knowledgeable pa sa product/services natin. Sabi ko andun ka naman. Sumagot si Bart

*insert Bart 'Shiboli bambam' Simpson*

Bart: Sure ka ba? Naalala mo nung minsan walang tao sa prod? (Meaning nawawala mga TLs

Ang shift ni tsibs ay 10pm to 7am ako naman 5am to 2pm. Panu niya ako namonitor. Ang funny kasi prior to this incident lagi akong nagsasabi sa Manager ko ng aking mga pupuntahan at alam kong may ganitong klase ng halimaw dito sa Opis.

Me to my Manager:

"Boss CR po ako"
"Boss papa-print sa mailroom"
"Boss punta po HR papasign lang po ng DAF's"
"Boss break"
"Boss lunch"
"Boss I'm here na walang tao sa HR"
"Boss I'm back from Lunch"

Petite: Yun nga ang sabi ko. Eh ewan ko ba bakit cya humihirit ng ganun. Sabi ba naman "Sure ka ba"

Me: Aba aba hmm.

Meaning pinalabas niya sa senior manager namin na tamad at missing in action ako.

KINABUKASAN... since naglilipat kami ng mga PC sa ibang room pero same floor pa din. Naiwan ako bilang ako morning shift at morning agents.

Sa chatroom ng mga TL's:

ME: Bart andito ako sa prod baka hinahanap mo ako fren

Wala namang sumagot. HAHA Akala ko sasagot. Slay kung slay. Kasi sa ganitong mga sitwasyon na mga backstabber. Frontstab lang katapat niyan.

The following day...

Grineet ako ni TL Petite... eh nasa likod si Bart.

Petite: Hi fren morning.

Me: Morning fren plastikan na naman. Baka hinahanap mo na nman ako maging SITE DIRECTOR ka na. haha haha

*nagchat si Petite sa Skype*

Petite: walanghiya ka napayosi tuloy yung tao.

Me: bwahahaha

Tuwing mag CR/break/lunch ako sa work... nagpapapaalam ako sa buong account - since maliit lang naman LOB naming

"o magbreak ako ha. Baka gamitin niyo nan man akong stepping stone sa promotion ninyo. Mga pakto kayo."

Tawanan mga agents.

I love my work. And people with this kind of ill intention towards other people makes me sad. Why cant we not live our own lives to improve ourselves. Sabi nga, one of the easiest things to do in life with guaranteed success is to look for faults. Then sometimes in our pursuit of success, it destroys us. Kung ang pinapansin lang ng tao ay ang kanyang sariling kakulangan at kapintasan, siguradong walang tigil ang pag-asenso ng mundo at ang pag-ayos ng lipunan.

Sabi nga ni Pastor Ed Lapiz, "Napakadali nating makita ang kakulangan ng iba. Napakahilig nating mangutya, mang-insulto, manlait, mamintas. Bakit kaya? Para huwag mapansin ang ating kakulangan? Para pataasin ang ating sarili? O kaya para pasayahin ang ating mga makasalanang puso na hindi lang pala tayo ang may mga mali? Bihirang-bihira sa atin yung sinisiyasat ang sarili nating puso kung ano tayo."

I'm grateful din to encounter people na malungkot childhood.

I will never be like them. I will depend on my performance and not on my professional relationships.

Sa mga young pro at colleagues ko, professionalize yourselves and you will find yourselves more and more respectable. And then don't insult and debase yourself, or allow yourself to be debased. Water follows the path of least resistance. Therefore, don't be the path, Resist the people that will exploit you. Insist on your right lalo pa at kung tama kayo.

Lastly, build people don't destroy them.

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon