Eksena sa Opis...
PMP Defined... Performance Management Plan.
Performance management is a shared understanding about how individuals contribute to an organization's goals. An effective performance management and appraisals process focuses on aligning your agents, building competencies, improving employee performance and development, and driving better business results.In short- ayusin mo buhay mo at performance mo sa BPO industry tegui ka. Laos ang career. Mag-update update ka na ng resume' at maghandang ibyahe un ebak mo bilang requirement yan sa pag-aapply sa new company. Yung ingat na ingat ka matapon sa garapon un pupu mo na para kang may dalang bomba sa Bus or FX 💣 remember the feels? 😒
Past 4am, I'm quite worried at maaga pa. Sarado pa pandesalan at mga bakery samin, at pauwi pa lang ang magbabalut nasa opis na kami. Yung padilat pa lang manok- kami nakaligo na. Yung agents ko para mga manok na tumtilaok pag patak ng 4am. Hayst BPO lyf. Anyway, ayun I need to remind nga my agent about his enrollment sa PMP and syempre how make it sound lighter.
Ako: Hey *pat back* PMP mo this week ha remind lang kita. Yung sarbey mo dapat pasado...
Agent: haha haha haha
*tawang lasing sa inuman*
Ako: Adik ka? Nakakatawa ba yung sinabi ko ikaw Grazilda (teammate niya) nakakatawa ba yung PMP?
Umalis akong asar. haha Tinawanan ako eh trabaho niya yun mawawala. Maya maya sinabihan ako ni Grazilda during our weekly team meeting...
Grazilda: TL alam mo bang si Boy Sputnik tinawanan ka kanina sa pmp. Kasi sabi niya...
"Problema ko na nga paggising ng umaga (4am shift) puproblemahin ko pa pati yang pmp?!"TL: Haha haha pakto ka talaga Boy Sputnik.Talo ako pag naasar mo ko. 🙄😏😣
May point naman pala.
#BPOtruetolifestories ✍