Tips:1. Be a straw. Magsipsip sa Boss. Isumbong lahat ng feeling mo ay kapintasan ng mga kasamahan mo. Kahit biro ang pagkakadeliver nung narinig mo, ikwentong mong seryoso ang dating.
Baguhin mo ang context ng kwento depende sa posisyon na gusto mo. The higher the position the more na mas exxag ang kwento, mas may texture.Kapag nabuking ka naman, play the victim part. Gawin mo yung himatay himatayan skul of acting. Epek yun depende sa execution mo.
2. Be the murderer. Pag mahina sa grammar... Bukod sa pagmurder ng English language, murderin mo din pagkatao ng kapwa mo. Tutal doon ka naman magaling. Slay my fren slay.
3. Be the silent assassin.Improve your social skills. Yung you look nice and sweet. Cordial. Very Kim Chiu ang peg pero Daniela pala sa loob. Yan ang madalas napu-promote. Masterin dapat yan OR mukha kang Flor Contemplacion yung "Yes mam" & "Yes Sir" ka in all levels. Kahit paglilinis na ng aircon, refill ng water at palit ng sirang bumbilya 't fluorescent sa opis pikit mata mong tatanggapin. Yaaaaas!
4. The Snatchers. Sila yung mga mandirigma ng promotion mo. Fault finding committee inuubos nila lakas nila sa paninira ng kapwa kaysa sa pagiimprove ng kahinaan nila. Ang tanging mithiin nila sa earth ay pabagsakin ang hahadlang sa pangarap nila na hindi based on facts but based on INGGIT at malungkot na childhood.
5. Hardwork. There is no substitute for that. Maximize your potentials. Love your work.
Honor your future with what you do today.May madadagdag pa ba kau?
#BPOEncounters