Mas Fresh Pa Yung Facilities vs Agents sa BPO

98 1 0
                                    

Sa BPO industry. Bakit mas mukhang masaya pa un mga facilities compared sa agents/employees? Sila yung mga naglilinis at nagpupunas ng PC, desk at C.R

Napaisip ko tuloy kung sino ba talaga mas malaki sweldo. Pag nada-daanan ko kasi sila huntahan sila ng huntahan. Madalas maaliwalas pa ang mga mukha nila. Sila pa ung palabati ng "Good morning po" sa mga agents. Minsan nagha-hagikgikan pa habang naglilinis ng mga desk at nagva-vacuum ng de carpet na sahig. Minsan gusto ko sumali, gusto kong maintindihan sila anung meron sa perspektibo nila na wala sa mga mare-reklamong tao sa opis.

Ito naman yung mga nilalang na maraming false sense of entitlement sa katawan. Yung pag nakikita mo, parang mahal na araw na naman dahil sa mukha nila. Yung mas marami pang pinaglalaban kay Gabriella Silang. Nakakapagod at nakaka-drain kasama mga ganiyang tao at empleyado.

Minsan talaga, wala din sa antas o estado ng buhay pati income ng tao ang kaligayahan at pati na kapayapaan ng loob. Ang happiness.. isa itong desisyon. Samahan lang ng healthy level of contentment.

P.S. Bilang mas masaya sina ate at kuya na facilities, mas mauunang malolosyang ang ibang agents sa industriyang ito. 😏

#BPOtruetolifestories ✍

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon