I had this agent na tawagin natin sa nickname na Lydia. Dahil sa BPO industry, may account na bawal kumain sa production area, may iilang agents na napapayagan due to medical reasons like buntis or ulcerin ka. Dapat may clinic pass ka.Aba may naging agent ako. Talaga naman, ginawang Vikings ang station niya at akala mo laging pa-bday ni Mayor. May cake, leche flan, ube, candies, minsan may chicharon para keto diet ang arrive. May biskwet , dingdong, chippy at dinuguan. Yosi na lang kulang, papunta sa pagkasari-sari store un cubicle niya. Parang happy pyesta feels.
Di ko pa din lubos maisip, kung stress eating ba ito o un food mismo ang nastress sa kaniya. Pag nakita niyo siya ng live, gugutumin kayo at pag gutumin kayo, siya ng perfect bff sa production floor.
Minsan may bote ng ketsup. Anu ito buffet? Hinanapan ko nga siya ng Sarsa ni Mang Tomas minsan. Sabi sa akin "TL bakit po?" Aba lolotionan kita ✌ Kulang na lang apple sa bibig, mukhang ready na cya sa piging. 🐖
Mabait naman siya- dinalhan ako ng leche flan na pagkasarap sarap. Pala-alok pati. 🤔 May adobo daw siya marunong din makisama fave food ko kasi yun. Payo ko nga sa kaniya, "Kumain ka naman, lamon na yan eh". 😂Minsan nagcall listening ako sa kaniya recorded call. Aba, hindi ko maintindihan boses niya parang puro dila ang naririnig ko pero malinaw naman siya magsalita sa personal. Sabi ko "Bakit ganun call mo di ko maintindihan, para kang na-stroke?" sagot ba naman ni Lydia "TL nahirapan ako magsalita lately". Tinanggap ko naman. Cyempre, compassion din naman. Baka natonsillitis na kakalaps ng sweets.
Then I discovered during may floorwalk, aba si Lydia naabutan ko tumitira ng happy peanuts habang nasa call ung ganung tunog kala ko nastroke kaya pala di maintindihan. Sabi ko "pagkatapos ng call mo mag-coaching ka... at maari ba.. pakidala un leche flan".
Galit at gutom ako. Siya ang ginawa kong alat sa matamis niyang leche flan.
Hindi ko na din sure ngayon, baka yung medical certificate niya na katibayang bawal siyang magutom ay galing sa kapatid niya na si... Mila.
Pero lab na lab ko si Lydia, mas maraming beses niya akong pinasaya kesa pinalungkot. Mas importante yun in any relationship.
#BPOtruetolifestories ✍
#BDOwefindways