Sa BPO industry. Uso daw ang third party. Kabit. Kerida. Kalaguyo. Kulasisi. Number 2. Number 3.
Yung may asawa at karelasyon na pero puma-part time pa sa iba. Yung asawa mo na asawa ng bayan. Marami daw nasirang pamilya at relasyon dahil sa industriya na ito. Kay rami ng winasak na tahanan, sabi nga sa kanta ni Tita Eva Eugenio.I remind my male agents always to respect women. Sabi ko, di ba may nanay at kapatid kayo? Hindi niyo gustong tinitingnan ng malaswa yang mga nanay at sisters nyo. May mga babae din kayong kamag-anak. Yung sa utak niyo pa lang nahalay niyo na. Hindi dapat ganun. Ang tunay na lalake marespeto sa babae. Ang tunay na lalake may takot sa Dios.
Hindi binibiro ang may karelasyon at asawa na ng mga birong may laman. Hindi inaakit at nilalandi. Hindi inaangkin ang pag-aari na ng iba. No Trespassing.Kaya nga sinasabi nila sa BPO daw maraming relasyon ang nasira. Totoo yun. Kasi inallow ng ibang tao ng mangyari yun.
Ang laki bahagi at tulong ng subject na GMRC (Good Manners & Right Conduct) at Values Education sa school namin noon.
Pati pagubo ng nakatakip bibig naalala ko pa. Pati ang salitang "salamat" at "paki" pag nagaabot ka bayad sa dyip tinuro noon. Yung pag may naguusap wag basta sasabat. May ganito pa bang subject noon? Dapat ibalik ito. Dito ako hindi ninerbyos pag exam eh haha. Ang panget lang pag ikaw pa pinakamababa noon sa 60 items na questions naka 40plus ka lang. Dalawang bagay. Either, wala kang manners talaga o mahina intindi mo 🤔Almost a decade ago, nagka-barilan sa isang BPO noon at nandun ako sa parehong building. Sa di malamang dahilan, nakapasok ang asawang lalake ng babaeng empleyado sa production floor. Agad na hinanap yung allegedly eh kalaguyo ng asawa niya. Akala ng iba naghaharutan lang gamit ang fire extinguisher at baril. Hanggang makarinig sila ng putok ng baril.
At talagang malayang nakalabas yung bumaril. Habang wala ng buhay yung opismate naming lalake.Napakatahimik ng lalake na ito. Mabait. Ang usap-usapan (ng mga chismosa )sa work, sa panahon kasi na nagkakaproblema sa asawa si babae, si lalake ang crying shoulder ni babae. Hanggang parang nadevelop na ata. At dun nagsimula ang lahat..
Dahil sa kahit konting pagtingin... sabi nga ni Ate Shawi.Kaya nga kung babae ka, mas makakabuti na wag sa opposite magco-confide at magemote ng mga relationship matters. Sayang ang buhay. 10years pa mahigit umabot ang kaso. Nakulong naman yung nakapaslang sa opismate namin.
Kung lalake wag din opportunista. Mga hokage moves. Wag ganyurn.I defy and don't compromise on this matter.
Sabi ko sa mga agents ko, Ingatan ang sarili nila bilang single people. Para hindi pira-piraso na lang ang natira sa magiging spouse nila sa future pagdating sa dambana. Na sa araw ng kasal nila. Hindi tira-tira na lang ang maiaalay nila sa katawan nila. "Ito na lang ako sa lahat ng nakinabang sa katawan ko". I encourage them to prepare for their future wife and husband.Sa mga kapwa ko TL at bisor sa work, I'm speaking to you. Napakalaki ng responsibility at pananagutan natin. We have the capacity and the platform lalo at naging agents niyo yan. You don't tolerate nor allow your agents na pumasok sa immoral situations lalo na sa opis nangyayari at sa harapan ng inyong mga mata.
To be more intentional with our leadership and relationship. Dito natin gamitin ang power natin hindi sa pag-power tripping. We use our power and authority to safeguard ang mga agents natin sa mga bagay na hindi makakatulong to reach their potentials.As a leader and worker, often times there's a price to be silent but there's a higher price if you kept silent when you could have spoken. Let's lead together conviction at dapat yung tama. Laging tama.
Malas sa team yan. Malas sa team stats and performance.
Nakakamatay yan.Sa mga tunay na asawa at totoong karelasyon. Ingatan niyo din ang mga partners niyo. Dati mukhang ubas nung naging asawa at karelasyon kayo mukha ng pasas. Alagaan para hindi nama-malimos ng pag-ibig sa iba (Oo. pelikula ni Vilma Santos yan. Vilmanian kasi Nanay ko)
Speak life. You don't go with the flow. You go against the flow. Hindi dahil uso at lahat gumagawa noon join lang. Honor your future. Honor your future wife and husband.
#BPOtruetolifestories ✍