"I speak forgiveness, sa inyong dalawa."
Ito ung isa sa mga huling katagang tinuran ko bago matapos ang pag-uusap namin.Nirelease ko na ang dalawang tao na proseso ang pagpa-patawad para sa akin.
I won't go into details. I guess heaven has a way of dealing with people.
I was about to go home from work locking my pedestal. She approached me. Hindi cya nagso-sorry noong una. Pero she was smiling towards me. Uneasy.
Hiya, takot ata yung naaninag ko. I knew her intention. The gesture. Pregnant pauses. What she wants to say.
Marami ako sinabi. Nagpaliwanag siya. Pero pinaintindi ko sa kanya it was not personal. Trabaho lang. I just needed to do what must be done. What was fair for everyone. My job description is not to demolish people like them.
Pinakaimportante ding sinabi na hindi ko naibigan, nasaktan ako at sobrang nalungkot sa ginawa nilang pagbabaliktad, pamimilipit at page-eksahera ng katotohanan.
Sinagot niya ako "TL mawawalan po kasi kami ng trabaho"
"Kaya nagsinungaling kayo?" sagot kong may halong hinanakit at panunumbat.
Pinaintindi ko sa kaniya, hindi ko ikakaliligaya ang mawalan sila ng trabaho pero responsibility at duty ko ang ipatupad ang batas bago madamay ang iba. Patayin ang apoy bago tupukin ang lahat. At hindi puedeng ibang tao ang makakita bago ang lider.Last quarter ng taon ng 2016 tinindigan ko ang tama. Nilabanan ko ng panalangin. As a christian worker and employee - I will always stick and choose conviction over convenience.
At sa mga taong nanakit satin o nanira-mapanira maaring tapos na tayo sa kanila pero ang langit hindi pa.
Our Father in heaven will deal with those people in His perfect time.
Nagsara ang 2016 at nasimulan ang taong 2017 na pinamukha saken ng langit na hindi ko nag-iisa at iniwanan. Ni minsan.
Hindi dito natatapos ang kwentong ito.