Dear BPO workers,
Make sure before kayo magmessage sa dati niyong mga TL's or OM eh pinag-iisipan po nating maigi.
My friend sent me a message, FB message request from an ekis ❌ agent sa LOB namin.
Reading the message, mas nangibabaw yung awa sa pagkaurat ko eh.First, this agent na nagmessage may false sense of entitlement pa din up until now, ay muntik materminate dahil sa maraming instances ng rudeness.
Ikaw ba naman mas galit ka pa sa customer eh oorder lang naman yung mga matatanda.Second, pasalamat siya pinagbigyan siya ng graceful exit. As you can see, hindi niya alam na dapat talaga hindi siya eligible for rehire dahil bastus siya. Pasalamat ka sa TL mo at kinunsinti ka.
Co-leaders raised agents na may character, yung with good manners and right conduct please. Lumikha po tayo ng mga agents na may pagmamahal sa trabaho at customers. Hindi puro pagmamahal sa sarili o self love lang. Customer service is about servanthood. Yun ang konsepto noon.Third, nagsasabi siya ng "karma" sa kapwa at "ex om". Eh siya nga itong hindi makapag apply. Nagboomerang sa'yo mga sinasabi mo.
Hurt people hurt people. ✔Dapat sa call center or bpo industry na ito may "Kababaang Loob 101" workshop din. Pakidagdag na dun yung "Paano ang Pagtanaw ng Utang na Loob" seminar. Magpamisa na din kaya tayo linggu-linggo para sa mga masasamang asal. Weekly prayer meeting sa mga function rooms para yung mga masasamang espiritu sa katawan ng lahat natataboy pati mga guardia din 😁 Gospel songs sa hallways pati C.R.
Be thankful at yung gumawa ng attrition mo nagkamali na click yung rehireable. You missed your chance hindi ka natuto. At dun sa TL na nag-kamali paki double check naman po yung work para yang nga ganyang agent hindi na nakakapaminsala pa ng buhay ng mga customers na wala namang ginawang masama eh pinagsisigawan.
Kahit tindera kita sa bakery. Tatapusin kita walang admin hearing. Kahit aso ko hindi ko papaaalaga sa'yo. Salbahe ka.I listened to the calls ng mga escalations kaya I know how terrible the support given to the customers.
Para kang umoorder sa McDo at minaltrato ka ng service crew. Akala mo si Odette Khan nagcall center. Ganun.Iisa lang ang rootcause ng nga ganiyang behavior. We can trace it sa "Sad childhood".
Ayuku din ng binabastus ang co-worker ko at kaibigan ko na maayus ang pagtatrabaho. Kahit facilities or guard nga di ginaganyan sa BPO. Kahit mga taga sandok sa opis pantry hindi ginaganyan.
Yes, may times na maaring manahimik pero may panahon to stand up when this kind of people exist.
Sana sa papasukan mong work iha este iho eh maging blessing ka. At sabi nila, everyone deserves a second chance in life.
Sabi din ni (daming sabi di ba? 😁) #AntMan
"I believe everyone deserves a shot at redemption. Do you?"Don't miss it. This time.
At dun sa next BPO or company na tatanggap sa'yo. I wish them well. Anjan na siya 👀
P.S. Reviewing your scorecard, failed consistently month per month performance.
I realized sa industriyang ito talaga, mas maangas, mas incompetent 🤔🤔🤔#BPOtruetolifestories
#BPOtruetolifestories