Ang Wavemate kong si Kash

87 3 1
                                    

Dahil sa BPO industry, may account na bawal ang mobile device. At terminable offense yun. Nakakamatay ng career. Before may TL career *naks*. May mga teammates din akong andaming eksena sa floor. Yung ikaw mismo hindi ka sure nangyayari ba talaga 'to moment sa loob ng production area. Tulad ng isang ito...

Bortang Manong Guard: Sir, excuse me mobile phones are not allowed inside the production area (EOP - [english only policy] din si Manong-ginalingan eh)

*tigil sa pagtext si agent na kamukha ni Viola Davis ng How To Get Away with Murder*

Agent: I'm one of the managers here. 🤔 *sabay tingin sa akin* OM po ako.

Bortang Manong Guard: Ay sorry ho *kamot sa ulo* sabay alis.

Tawang tawa ako nakalusot. Kaya ayun nahiya pa at sobrang maka-sorry si manong bortang guard

Eh itong wavemate ko ang lakas ng loob kasing tigas ng butt crack niyang laging nakaluwa sa prod. Kakasuka kaya. Parang pintuan ng impyerno haha. So overtime kami noon at kami na lang dalawa sa production floor. Nagcharge pa talaga sa PC at nagseselpi pa na sampung patong ang filter.
Ayan na si Manong Guard...

Manong Guard: Sir anu pong name nila?.
Pasaway na Agent: It's okay for us supervisors to use mobile phones inside the production floor.

Okay nasa sana.... Eh biglang nag-ring ang avaya phone...

Agent: Welcome to Telstra....👨‍💻

Haha buking. Haha After the call. Inantay siya ni Manong.

Manong Guard: Sir, May I have your name? Your TL name?

Agent: Manong maawa ka saken nag OT lang ako today kanina pa out ko. Sinamahan ko lang siya *sabay nguso saken*

Manong Guard: Sir its not allowed. What's your TL name?

Agent: Manong wag na po galit na nga sakin TL ko magagalit ule un.
Pahamak tong call na ito.

Natawa si Manong Guard. Tinawanan ko din talaga siya.

Ako: Bakla ka kasi. Tigas ng mukha mo selfie ka ng selfie o ayan DAF ka. Manong si anu po TL niya haha.

Tinawanan ko lang talaga. Nagpanggap pang OM sa una. Dapat to patung patong na kaso.

Yung nag-ring yung avaya at sinagot nya. Nasakote siya ni manong.

Tapos minsan galit na galit customer... ito spiel niya

Agent: Before you scream and shout and let it all out. (Britney Spears )
*sabay titingin pa samin ng labas ang pwit*

serious pa yung delivery. haha
kanta kasi ni Britney yun eh.😒😲😂

#BPOtruetolifestories ✍

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon