Basic English.

57 0 0
                                    

Sa BPO requirement ang marunong kang mag-english.

Kung paanong trabaho ng artista na maging maganda lalo't hindi ka naman komedyante. It's a must. Dahil parte yun ng job description mo.

Di ba yung barker nga sa Crossing Mandaluyong ang lalakas sumigaw. Trabaho niya yun. Wala namang barker na soft spoken kahit walang kontrata yun di ba. Todo bigay sila. Labas litid. Ang sweldo di gaano kalake pero yung ngiti nila kahit minsan absent ang ibang ngipin ang tatamis. Madala ruma-rapport pa sa mga driver. Bihira o wala ata akong nakitang barker na may attitude. Aba imbes kasi na 5 pesos - piso ang iitsa ng mga drayber pag nagkataon.

Kaya sa magwowork sa BPO, equip yourselves na mag aral ng english. Pag di pa ganun kahusay, aralin. Masterin kasi requirement yun sa work.

I remember Rosanna Roces (one of the best actresses of Philippine cinema for me ha.)
during one of her interviews nung nagsisimula pa lamang siya, when asked bakit siya nagparetoke ng boobs. Known for her wit and tact, sagot niya "Paano ako pagnanasaan sa bold films ko kung flat chested ako kaya pinalakihan ko ayan siya 36 hawakan mo! Haha!"

There's wisdom in that statement. Kailangan sa papasukang trabaho, importanteng alam mong pinapasok mo. Yung skill set mo angkop para doon. Hindi lang puro "puso" dapat hinuhusayan din. At dapat pag alam mong mahina ka doon, pinag-iigi mo. You maintain your strengths and work on your weaknesses. Hindi natatapos sa school ang pagkatuto. Habang nabubuhay, never stop learning. You don't stop improving.

Basic English 101. Hindi ito tungkol sa accent or american twang. Pinoy tayo so what do you expect. Kung makopya mo yung accent ng mga kano at aussie eh di bonus na yun or talent. Kung lumaki ka sa Tondo at wala namang nag-iinglesan sa bahay niyo, at wala ak din namam nakita sa Moriones na naghahabulan ng itak ng english with accent maliban na lang kung matindi amats nila kuya. At mahirap din naman na lumaki ka na puro soap opera na tagalog ang napapanuod mo. Yung payak na english at simpleng sentence constuctrion.

Generally, naja-judge ang talino ng tao pag wrong gramming ka. Tulad ng...

Singular at Plural. Yung iba kasi parang minsan nagcutting classes nung tinuro ung singular. Kaya puro plural ang alam. Lahat may "S".

Subject and Predicate. Hindi yung nagbabanggan sila.

Noun and Pronoun.Yung difference ng They're at Their

Preposition - Yung isang dekada na nahihilo ka pa din kung IN ON or AT the computer ba.

Present, Past and Future tense.
Hindi "What did you did" ka na noong 2017,
What did you did ka pa din hanggang sa 2018.

Yan ang tradgedy at intentional na pagpaslang sa english language.
Unless na gusto mong maging komedyante sa call center eh "push mo yan tea"

#BPOtruetolifestories ✍

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon