Sa BPO Industry, pag tinawag mo ang isang agent for coaching. Ang bungad kaagad ng agent "Anu pong palpak, mali nagawa ko o bagong escalation?".
Pag sinabing coaching, may "award" na nagaabang para sa'yo. Lamnathis moment.During my coaching...
Agent: *lunok... lunok*
TL: Alam mo bang magaling ka?
Agent: po? *amused*TL: Sabi ko, aware ka ba na magaling ka?
Agent: *hinga ng malalim*maya-maya pa *naiyak*
Iniiwas ang tingin saken. *Silence*😢
TL: O bakit?
Agent: TL, kasi po... sa tagal ko dito, ikaw pa lang nagsabi sa akin niyan.😭🤧TL: ☹😩🤧
===============================
Nalungkot ako. Madalas kulang ang mga tao sa affirmation. Even from their boss, friends and even their own family. Ang damot ng iba sa papuri pero unli-lait. Balance lang fren.Gusto ko pa sanang mag-sorry sa agent ko para sa mga TL (Team Leader/Bisor) niya na hindi siya ininform ng potential niya. Sapat na ung luha niya at maulap na matang gaya ni Nora Aunor. Hindi ko pa malimot yung ityura niya ng agent ko noong pahirin niya ang kaniya luha sabay sabing "TL ikaw lang ang nagsabi niyan sa akin". Parang napakatagal niyang inabangan yun.
Malaking bagay din that my security as a leader was founded and built kay God. In this, I remind my agents- present or past, during those coaching sessions that I had; They are significant sa mata ni God at yun ang mahalaga. That they are valuable at mahal sila ni God. Nakakahiya man, I remember those moments that I cried with my agents. I pray for them. Dahil gusto ko maranasan nila yung grace ni God na dumadaloy sa buhay ko.
I want to them to know always, that I believe in them. Ang laking bagay noon sa mga agents
Dahil sa maraming pagkakataon, I discovered pinagkait yun ng mga tao sa paligid nila, at ang pinakamasakit- ng sarili nilang pamilya, magulang, kapatid pati hardinero nila. Waley ba?✌Sa dami kong dinanas na masasakit na salita-prinamis ko sa sarili ko. I will use my 👅 tongue to edify, encourage and empower yung nga tao sa paligid ko.
Fren, wag masyadong madamot sa papuri. Hindi yan nakamamatay ng career. Mas maraming buhay ang binuhay niyan at tuluyang pinagbunga.
Hindi din dapat binobola ang tao. Alam na alam nila kapag ine-etchos niyo lang sila. Dun tayo sa katotohanan.Pag yung agent niyo mukhang espasol yung mukha sa gamit nilang foundation. Wag nyo naman deadmahin. Sasabihan niyo din, pero simplehan lang natin. Pwedeng ganito, "Nalipat na ang undas sa June?" o "Yung pulbo mo pang isang linggo pabeso na lang para makatipid ako. Pakisama lang ba." Para sila mismo mag-isip at gumana brain cells at neurons nila. Ganun.
Kunwari ang agent nyo nagsuot ng pula na pants at puting shirt sa opis. Simplehan pa din natin pwede mong tanungin "Ngayon ba ang Linggo ng Wika? Di ba sa August pa?" or pede ding "Ang boring sa Opis tara sayaw tayo ng Maglalatik or Tinikling". Para may sense of realization sila kung baduy ba o hindi.
Hindi yung tatawanan nyo sa talikod. Bakit di natin frontstabbin. Maiba naman.Op kors, dapat may relationship muna kayo na nabuild.
Ganiyan. Balance lang frends.
#BPOtruetolifestories ✍
#SpeakLife