Viernes Santo

17 1 0
                                    

Viernes Santo. 3 years ago.
Lulan ng FX pauwi. Nalaman ko ng bahagya ang kasaysayan ni ate sa call center na  mahigit 10 years na cyang naninilbihan.

Ang panlilibre niya sa kasabay niyang kaopisina sa FX dahil nanalo siya sa jueteng at binilin niyang wag ipagsabi. 8k daw yun. 3k sa mother niya 5k sa kaniya. Hindi niya daw maisuko ang bisyo na ito gaya ng pagyoyosi niya. Pera daw eh. Sayang. Gusto ko din sana magpalibre bilang balato. Dyahe naman.

Ang mga Boss niyang nawala at yung isa natanggal dahil sa kamanyakan at muntik niyang i-Dole dahil sa stress niya sa work eh premature niyang pinanganak ang baby niya. Hindi siya nag- Dole. "Nagusap na lang daw sila ni Mamu" sabi niya sa kaopis mate niyang matamang nakikinig sa kaniya.

Sinagot lahat hospital bills. Yung Manager daw niya kinarma ayun. patay na.

Ayaw nya daw niya magpapromote na Team Leader okay na siyang QA (Quality Assurance) . Masaya na siya. Kahit pa pilitan siya ng asawa niya na Team Leader sa Eton.
Ang reklamador niyang mga kasama na ayaw niyang pakealaman at maki-alam. Sa sampung taon daw niya andami niyang nakitang kaso at reklamo ayaw na niya makisali.
Kung paanong pinapatigil siya ng asawa niya magwork pero ayaw niya ma-losyang sa bahay gawa ng inip.

Kung paano niyang binasag un ka-opisinang nahuli niyang iniikotan siya ng mata,  dahil daw noong una akala niya malik mata pero noong naulit daw sinabihan niya ng "Dudukutin ko mga mata ulitin mo pa yan. Bobo ka naman!"

At ng sitahin siya ng HR bakit siya naka-rubber at kinuha name niya binigay niya name ng nag-resign na empleyado. Katwiran niya "Gusto niyo ko magfloor walk ng naka-leather eh laki laki ng lalakaran ko masakit sa paa. Saka adidas naman suot ko maganda naman yun cross fit!" Sabay hagalpak siya. Lalo't hinahanap na daw ng HR si ex-employee.

Kung paanong sinagot niya ang manager niya na pilit siyang pinapasok dahil naapektuhan ang service level ng kompanya kahit bed rest ang payo ng doctor niya dahil buntis siya. Kung paano niyang tinanung kung how many years yung course ng manager (4yrs) kumpara sa doctor niya (10yrs at 30yrs practicing)  at kung paano siyang naging halimaw ng sagutin siya ng manager na wala daw pakialam sa sitwasyon basta pumasok.

Pati ang summer themed outfit nila sa Opis na bawal magshorts eh panu daw naging summer kung bawal ang mag-short ( naisip ko maigi pa pala samin puedeng-puede magshorts nung nagsummer theme day kami)

Kinukwento na niya ung naninira sa kaniya bilang kursunada ng katabi niya sa fx. "Pag kinuwento ko sayo ginawa niyan saken maloloka ka" pagbibida niya."Siya dahilan bakit walang kaamor-amor ang boss ko sa akin". Nalaman niya ng minsang tinext back daw niya minsan na "Bakit parang galit po kayo saken eh wala naman kayong feedback kung anung ayaw at gusto nyo sa trabaho ko" at paano nila nabuking ng mga kasama niya yung mapanirang nilalang sa Opis nila.

Kaso pababa na ako. Sayang. Ate walang trapik  ngayon eh enjoy ako sa kwento mo. Isa kang alamat sa BPO 10yrs ba naman. Sabi mo nga tatlo na lang kayong matagal diyan.

Salamat sa kwento. Bitin man, pero nag-enjoy ako.

#BPOtruetolifestories ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon